Chapter LXVII: NOT A PART OF THE FAMILY!

8.5K 168 8
                                    

Elisha's POV

"Pero totoo po ba na pinagtabuyan nyo si Ash?" Tanong ko.

"Yes...pero labag yun sa kalooban ko. Tinakot ako nun ng mommy ni Ash na papatayin nya si Ash kapag lumapit pa ako. Nung nalaman ni Adrianna na pumunta sa office ko that time si Ash, sobra syang nagalit sa akin at akala nya na may kung ano akong sinabi sa bata kaya sinugatan nya si Ash." Sabi ng dad ni Ash.

(A/N: Adrianna name ng mommy ni Ash)

"What do you mean sinugatan po? As in wound?" Tanong ko.

"Yes. Kung mapapansin mo may peklat si Ash sa braso. Hiniwa yun ng mommy nya ng kutsilyo habang natutulog si Ash. I'm sure nagpeklat yun dahil sa sobrang lalim. At sabi nya na mas malala pa daw dun yung gagawin nya kapag lumapit pa ako kay Ash at sa kanila. Natakot ako nun kay Adriana na paano nya nagagawa yun sa sarili nyang anak. Sobra na syang nabulag ng kayaman. Kaya nyang ipagpalit yung kayaman kaysa sa anak nya. Kaya simula nun nagpakalayo layo ako kahit na sobrang labag sa kalooban ko." Sabi ng daddy ni Ash.

"Hala! Grabe naman po!" Sabi ko.

Grabe anong klaseng magulang yung ganon??!

"Paano pong nagawa ng mommy ni Ash yun? Hindi nya po ba mahal si Ash?" Tanong ko.

"I don't know. Basta naaalala ko nung buong 3years after pinanganak si Ash, ako lang lagi yung nag aalaga. Ultimo breast feeding labag sa kalooban ni Adrianna. Yaman at Pamana lang naman kasi talaga yung habol nya kaya kami nagkaanak." Sabi ng dad ni Ash.

"Which is yung pamana po na yun eh makukuha nya lang kapag nagkaroon sya ng asawa at anak?" Tanong ko.

"Yes. At nung panahon na nalaman nya yun, agad agad syang nakipagrelasyon sa akin at inaya nya agad akong magpakasal. That time hindi ko alam kung matutuwa ba ko o ano. Kasi simula nung bata kami, may gusto na talaga ako kay Adrianna but she always pushes me away. Kaya siguro nagulat din ako nung one time na sinabi nya na maging kami na." Sabi ng daddy ni Ash.

GRABEEE!! AS IN GRABEE! ANO YUN PARA LANG SA PERA MAGPAPAKASAL KA SA HINDI MO MAHAL? MAGKAKAANAK SA HINDI MO MAHAL? Grabeeee!! Ang sarap kutusan ng mommy ni Ash! Seryoso.

"So paano na po yan? Ano pong balak nyo?" Tanong ko.

"Ang kailangan ko lang eh makausap si Ash. Kaso halatang sobrang laki ng galit nya sa akin at hindi ko sya masisisi saka mukang wala syang balak na kausapin ako." Sabi ng daddy ni Ash.

"Don't worry po, ako po yung kakausap kay Ash at pipilitin ko po sya na makipag usap po sa inyo. Pero don't expect po na agad agad. Syempre po it takes time. Hindi pa rin po kasi siguro naghiheal yung sugat sa puso ni Ash." Sabi ko.

"Sige ija, kahit gaano pa yan katagal, I am very willing to wait. And also, tell him na anytime free ako kapag gusto na nya akong makausap. thank you rin sa time mo. And remember, stay away sa mom ni Ash. Hindi mo alam yung kaya nyang gawin okay? Lalo na at may connect to sa kayaman dahil kapag ikaw ang naging asawa ni Ash, paniguradong hindi makapapayag si Adrianna." Sabi nung dad ni Ash.

"Opo Mr.Cameron." Sabi ko.

Umalis na rin sya agad. Ako naman naghintay pa ng ilang saglit bago ako umuwi sa amin.

***

*kinabukasan*

Agad akong pumunta sa Hospital nila Ash para makausap sya.

"Good morning, lovessss~" sweet na bati sakin ni Ash nung nakita nya ako.

"What are you doing here?" Sabi nya sabay ngiti.

"Can we talk privately? Yung tayong dalawa lang sana?" Sabi ko.

"Sureeeee!! Walang problema! Gusto ko rin yan hehe." Sabi ni Ash.

Agad kaming pumunta sa may room nya or office.

"Bakit?" Agad nyang tanong habang nakangiti.

"Ano....kasi....-"

"Kasi?" Tanong nya na parang hindi na mahintay kung ano ba yung sasabihin ko.

"Anyways, sorry pala sa kahapon. Nakatulog kasi ako. Saka...basta!" Sabi ni Ash.

"Ah yun ba? Wala yun." Sabi ko.

"Ano ba kasi yung sasabihin mo? Mukang napaka importante naman nyan at pinuntahan mo pa ako dito mismo sa hospital." Sabi ni Ash.

"Ano...kasi...nakausap ko yung dad mo.." Sabi ko.

Agad na nagsalubong yung kilay nya.

"Sorry Ash...gusto kasi nyang makipag ayos sayo.." Sabi ko ng mahinahon.

Alam kong nag iba yung timpla ng muka nya.

"Look Ash, hindi nya sinasadya lahat ng nagawa nya sayo noon." Sabi ko.

"Please Elisha, wag ka ng mangealam. Problema ko to. Problema namin to..." Sabi ni Ash.

"Pero Ash? Promise! Marami kang kailangan na malaman about sa nangyari dati!" Sabi ko.

"Wala akong balak kausapin yung lalaki na yon! Kung ano man yung nangyari dati, kasalanan nya lahat yon at ginusto nya yon!" Sabi ni Ash.

"Pero hindi ka nya tinakwil!" Sabi ko.

"Look Elisha, pinapaikot ka lang nya! Dun naman magaling yung tao na yon eh! Diba sabi ko sayo non na pinerahan nya lang si mommy??!" Sabi ni Ash.

"Ash hindi totoo lahat ng yon, kung malalaman mo rin sana yung side ng daddy mo, mas maiintindihan mo lahat. Buong buhay mo kasi halos pagsaraduhan mo sa buhay mo yung daddy mo...baka eto na yung time para naman malinawan ka na kung bakit nya nagawa lahat ng yon." Sabi ko ng mahinahon.

"Ako pa yung nagsarado? Sya yung nagsarado ng buhay nya! Ni ayaw nya nga akong papasukin nun sa buhay nya eh. Tapos ngayon bigla syang magdedemand ng ganyan?! Saka pwede ba?! Hwag mo syang ipinagtatanggol sa harapan ko dahil hindi mo alam yung sakit na naramdaman ko buong buhay ko! Yung pangungulila! Dahil ikaw buo yung pamilya mo!" Sabi ni Ash.

"Ginagawa ko to para tulungan ka na mabuo yung pamilya mo dahil yun yung sinabi mo sa akin nung minsang nalasing ka! Drank person tends to say what they are feeling deepest inside their hearts!" Sabi ko.

"PAMILYA KO TO! AKO AAYOS NITO! HWAG KANG MANGEALAM BECAUSE YOU ARE NOT A PART OF OUR FAMILY! HWAG MO KONG PANGUNAHAN DAHIL WALA KANG ALAM! YOU NEVER FELT ALL THOSE PAINS! YOU HAVE NO IDEA HOW MUCH I STRUGGLE EVERYDAY AND NIGHT! KAYA WAG KANG NAGMAMAGALING!" Sabi ni Ash.

"Now I know, sorry ha? Ako lang naman tong gustong tumulong, ako pa tong nagmukang masama. Don't worry, I will send everything about the coversation with your dad. Nirecord ko yung pag uusap namin. Well kung di ka pa malilinawan after that, bahala ka na sa buhay mo." Sabi ko at saka na ako lumabas ng room nya at tuluyang umalis.

Agad ko ring sinend yung buong file ng record sa account nya.

Ngayon pa lang nagsink in sa akin lahat lahat ng masasakit na sinabi nya.

Sino nga ba naman ako?

Pamilya nya ba ako?

Parte ba ako ng pamilya nya? Ng buhay nya?

Masyado na ba akong nangengealam?

Nagmamagaling na ba ako? Gusto ko lang naman na tulungan sya...

Ako na nga tong tumutulong, ako pa tong napasama..

Ang sakit pala..

Ang sakit masabihan ng mga ganung salita..

Lalo na at galing sa kanya..

//
Author's Note

Saaaaaaaaaaaaaad...

Kailan kaya sila magiging okay na uli? Hmmnn..

Sino nga ba ang nagsasabi ng totoo? Hmnn...abangan!

Guys!! Konting kembot na lang christmas breaaakkkk naaaaa!! Grabe Exam week na namin ngayonnnnn! Hahahahahhahaha kami na lang ata yung pumapasok pa :< hahahahaha okay lang, sa Jan7 pa naman yung pasukan namin hahaha!! fair lang.

Anyway, my next update will be on wednesday. :))

PS. Ayieee malapit na tayo mag 20k reads! Abang abang uli sa bonus chapteeeeerrrr!! :)))

~kim

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon