Elisha's POV
"Anak, babalik daw bukas dito si Mr.Cameron." Sabi sakin ni mama.
"Mama, Ash na lang itawag mo sa kanya." Sabi ko habang nakahiga sa sofa.
"Di ako sanay anak eh. Muka naman kasing kagalang galang si Mr.Cameron. Hayaan mo na." Sabi ni mama.
"Hay nako ma, bahala ka na nga." Sabi ko.
"Kamusta pala yung lakad nyo? Masaya naman ba? Kamusta yung pagsakay nyo sa eroplano? Nakakalula ba? Eh yung Ball? Marami bang pumunta? Marami bang mayayaman?" Tanong ni mama ng sunod sunod.
"Ma? Isa isa lang pwede ba?" Sabi ko.
"Hehe pasensya na." Sabi ni mama.
"So ayon, masaya naman. Sobrang saya sumakay ng eroplano. Nagsuka ako nung una haha pero ayos lang. Tapos nagpunta kami dun sa Hotel. Sobrang ganda ng hotel. At sobrang ganda ng gown na isinuot ko. Naglibot libot din kami sa labas ng Hotel. Tapos nahuli kami sa flight kaya sumakay kami sa private plane nila Ash." Sabi ko.
"Private plane???!!! Juskoo!! Napakayaman naman nyan anak!!" Sabi ni mama.
"Hindi ba halata mama? Jusko! Bilyonaryo sila eh kaya lahat kaya nilang bilhin." Sabi ko.
"Sa bagayyy..." Sabi ni mama.
Bigla akong napatingin sa may higaan ni papa. "Mama! Nasan si papa?" Tanong ko.
"Ha? Ini-scan lang sya ulit. Ibabalik na rin sya ulit dito mamaya. Pero don't worry, okay naman na yung papa mo. Nakakatayo naman na sya at nakakapaglakad." Sabi ni mama.
"Buti naman mama..." Sabi ko.
Pamaya maya natulog na rin ako dito sa sofa. Si mama sa kabilang hospital bed na lang matutulog.
***
*kinabukasan*
*knock* *knock* *knock*
"ANNNAAAKKK!!"
"Nandito si Mr.Cameron!!"
"Ay, goodmorning Mr.Cameroooonnn! Pasok po kayo."
"Goodmorning po."
"Anaaaakkk!! Bumangon ka na dyan!!" Sigaw ni mama.
"Maya na...Inaantok pa ko..." Sabi ko.
"Hayaan nyo na po muna syang matulog." Narinig ko yung boses ni Ash at saka ako biglang napatayo.
"Oh kala ko ba inaantok ka pa?" Tanong sakin ni mama.
Hala jusko! May muta pa ata ako. Ang baho pa ng hininga ko! Halaaaaa!!
Tumayo na agad ako at saka ako tumakbo papunta sa CR.
"Maganda ka na anak, wag ka ng mag ayos." Sigaw ni mama.
Hay nako! Bat ba sobrang aga naman pumunta ng Ash na yan dito??! Nakakaloka!!!
Sinuklay ko na muna ng kamay ko yung buhok ko. Naghilamos na din ako ng muka at saka ako nagmumog. Kumuha na rin ako ng towel dito sa may drawer. Infairness ha, complete package tong hospital room nila Ash.
Pagkalabas ko tawa ng tawa si mama. Si Ash naman eh nangingiti lang. Si papa naman nakahiga lang sa kama.
Tumayo agad si Ash at saka nagmano kay mama at papa.
"Ang sweet naman ng bata na 'to." Sabi ni Mama.
"Ay matanong nga kita iho, bakit ba ang bait mo sa pamilya namin?" Tanong ni papa ng seryoso.
BINABASA MO ANG
DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]
Novela JuvenilElisha-a girl who came from a poor family and able to get into the most prestigious school in PH because of her intelligence. And it happens that she met this guy named Ashton in a not-so-good moment that caused her disgust into him. Ashton- a cold...