Chapter XCI: KIDNAPPED

7.7K 160 4
                                    

Ash's POV

Tumakbo kami ng sobrang tulin para mahabol yung sasakyan. Kaso isa isa rin kaming napagod dahil sobrang bilis magpatakbo ng driver ng sasakyan.

"ELISHAAAA!!!!!" Sigaw ko.

"damn it!!" Sigaw ko sabay sipa sa bato.

Hanggang sa tapat lang kami ng bahay nila Elisha.

"Elisha tara na kakain na tayo.." sigaw ng mama nya paglabas ng terrace nila.

"Tita! Si Elisha ho kinuha ng mga lalaki na nakasakay sa van!!" Sigaw ni Clark.

"ANOOO????! NAKIDNAP YUNG ANAK KO????!! JUSKO TUMAWAG NA TAYO NG PULIS!!" Sigaw ng mama ni Elisha na parang kakapusin sa paghinga.

"Kumalma ho muna tayo.." Sabi ni Clark.

"Ako na bahalang tumawag ng pulis." Sabi ni El.

Pamaya maya lumabas yung papa ni Elisha habang may dala dalang mga saging na ihahain sana sa hapag kainan.

"Bakit ka ba sumisigaw dyan darling? Ano bang nangyare? Oh, eh bakit nandito tong mga gwapings?? Nako tamang tama! Ilang araw nang matamlay kumain yung anak ko, panigurado matutuwa yun kapag nakita ka Ash. Jusko! Kayong mga bata talaga kayo ang hilig nyo sa mga tampuhan." Sabi ng papa ni Elisha.

"Darling.....nakidnap yung anak natin!! Jusko pooo!!!" Sigaw ng mama ni Elisha.

"Anoooo???" Sigaw ng papa ni Elisha na para bang aatakihin na sa puso.

"darling...Teka teka uminom ka muna ng tubig.." sabi ng mama ni Elisha at saka pumunta sa kusina.

"Ash.." sabi ni El.

"Bakit?" Tanong ko.

"Tawagan mo na kaya si Mrs.Ruiz?" Sabi ni El.

"Oo nga pala!" Sabi ko at saka ko tinawagan si Mrs.Ruiz.

Agad namang sinagot ni Mrs.Ruiz yung tawag ko.

"Hwag mo munang sabihin agad agad ash at baka naman atakihin sa puso si Mrs.Ruiz." Bulong ni El.

["Oh Ash, napatawag ka?"] sabi ni Mrs.Ruiz.

["Nasan po ba kayo ngayon?"] Tanong ko.

["I'm at my sister's house, sa house ng mommy ni Autumn, kapitbahay nila Elisha. Bakit? Is there any problem about our business?"] Tanong ni Mrs.Ruiz.

["Wala naman pong problema tungkol sa business pero meron po tayong mas malaking problema."]

["Ano naman yun?? May mas lalala pa ba kaysa sa business problem?"] Sabi ni Mrs.Ruiz.

["Opo. Mamaya ko na lang po sasabihin. As of now, nandito po kami sa labas ng bahay nila Elisha. Kung pwede lang ho sana eh makausap kayo. Sobrang importante po talaga neto Mrs.Ruiz."] Sabi ko.

["Ganun ba? Oh sige, ipapasundo ko kayo sa mga bodyguard ko para makapasok kayo dito sa bahay."] Sabi ni Mrs.Ruiz at agad na nyang pinatay yung tawag.

"Ash..paano mo sasabihin? Sasabihin mo ba na alam mong sya yung tunay na mommy ni Elisha?" Tanong ni El.

"Syempre hindi. Hahayaan ko syang umamin. At alam ko na tutulungan nya si Elisha dahil anak nya yun. At alam kong sobra syang mag aalala." Sabi ko.

"Tita, hihingi po kami muna ng tulong sa mommy po ni Autumn at saka sa kapatid po nya." Sabi ko.

"Hihingi kayo ng tulong? Oh sige sasama ako! Ayokong maiwan dito at hindi ako mapapakali." Sabi ng mama ni Elisha.

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon