JiminAkala ko pag naging kami,magiging masaya ako. Na mamahalin din niya ako. Na matatanggap din niya ako bilang asawa niya.
Pero hindi pala.
Kase may mahal siyang iba. Kase ang puso niya,meron ng nauna.
Sinubukan ko namang ipaglaban siya..but soon realized, na wala naman pala akong laban sa dalawang taong nagmamahalan. Kasalanan ko naman kung bakit ako nasasaktan ng ganito eh. I've put myself into to this..
Now I know, hindi lahat makukuha ko...na hindi lahat mapapasaken.
Kaya kahit masakit,palalayain ko na siya at hahayaang maging masaya sa piling ng taong totoong mahal niya.
.
Taehyung
Ako naman talaga ang mahal eh. Una siyang naging akin kaya ipaglalaban ko siya sa abot ng makakaya ko. Ah hindi,babawiin ko siya.
Hinding-hindi ako bibitaw sa mga ipinangako niya saken. Andami naming pangarap ng magkasama,kaya hindi ako papayag na basta lang siya agawin saken ng iba.
Wala akong pake kung sa mata ng iba,kasalanan ang makasama siya..ang importante, masaya kaming dalawa. Siya at ako,wala ng iba.
Asawa lang siya sa papel,pero alam kong sa puso ni Jungkook....ako ang nagmamay-ari. Akin siya..Akin.
.
Jungkook
Tahimik lang ang buhay ko dati. Masaya kasama ang mahal ko. Iisang tao lang ang pinaglaanan ng puso ko. Subalit biglang nagbago ang buhay ko nang makilala ko siya.
He made me feel a roller coasters of feelings. Lahat na yata ng uri o klase ng feelings,pinaramdam niya saken. Especially galit. Dahil sa kanya,nagulo ang buhay ko. Dahil sa kanya,lahat ng mga pangarap na binuo ko kasama ng taong mahal ko..lahat yun nabuwag...lahat yun,imposible ng mangyari.
Galit na galit ako. Kaya wag siyang mag-e-expect na mamahalin ko siya. At ipapalasap ko din sa kanya kung pa'no maging miserable gaya ng ginawa niya saken. Wala siyang aasahan saken.
Maaaring mag-asawa kami sa paningin ng iba,lalo na sa Papa niya,pero para saken? Wala lang siya. I'll make him feel that.
.
.
A/n: someone requested me to make Vkookmin story..so,eto na yun. KristineARMY tnx sa pagre-request. It's my first time to do this kind of story so,please understand me in advance kase di ko talaga forte ang medyo angst na genre..Sana magustuhan niyo siya. Thanks in advance na din. 😊
BINABASA MO ANG
Kookmin feat. Taehyung presents: Inside my heart is YOU
FanfictionPark Jimin is a spoiled brat. Lahat ng gusto niya,nakukuha niya. Lahat ng naisin niya,handang ibigay ng mahal niyang Papa. Kahit ano gagawin niya,basta mapasakanya ang ninanais niya. Kahit pa ang makapanira ng isang relasyong mas matatag pa kesa sa...