You and I

544 14 0
                                    


"Love, I'm home!"

Tawag ni Namjoon sa kasintahang si Jin. Hindi na kasi ito sumama sa kanya na mag-grocery dahil pagod daw ito sa maghapong trabaho nila sa university bilang school head doctor habang siya as a professor.

Bahagya siyang napakunot noo dahil walang sumagot na Jin sa kanya. Tuloy-tuloy na lamang siyang dumiretso sa kitchen saka inilapag muna ang mga pinamili niya at hinanap ito mula sa mga banyo,sa living room until he went to their bedroom.

Lalo lang siya napasimangot dahil wala din si Jin sa loob ng kwarto nila. Palabas na sana siya but he heard a weak sobs coming from their bedroom's bathroom. Di na siya nagdalawang isip pang binuksan niya ang pinto and saw his beloved boyfriend crying on his knees.

Tarantang patakbo siyang lumapit dito,para usisain.

"Hey what's wrong? What happened?"

"J-Joon"

Lalo lang ito umiyak kaya niyakap muna niya ito para pakalmahin.

"Love,let me know what's wrong. Ano bang nangyari habang wala ako dito?"

"N-nothing. I...I just thought that maybe I should just quit"

"Quit? Saan?"

"Magre-resign na'ko sa university as a doctor"

"Bakit naman?"

Nitong mga nakaraang araw este two weeks na pala mahigit nang mapansin niya ang pagbabago sa ugali nito,sa pakikitungo nito sa kanya. Tila naging cold ito sa kanya,at kung minsan pakiramdam niya iniiwasan siya nito. Ayaw man niyang mag-isip ng hindi maganda pero di niya maiwasang magtaka at maghinala.

"Cuz I'm tired. Napapagod na'kong itago ang relationship natin dun sa lintik na school na yun"

"So magreresign ka dahil lang sa mababaw na dahilan na yun? Jin,di ba napag-usapan na natin ang tungkol dun?"

"Ano kamo? Mababaw na dahilan lang yun? Ako lang ba yung napapagod ikaw hindi? Ibig sabihin ba nun okay lang sayo na patago ang relationship natin sa ibang tao? Wow,ang sarap mo namang maging boyfriend"

"Hey that's not what I mean--

"Oo ganun na din yun!"

Bahagya siyang natigilan sa biglaang pagtataas ng boses na yun ni Jin. Sa unang pagkakataon kasi,ngayon lang ito sumagot sa kanya ng pasigaw.

"Nagtataas ka ng boses saken? Alam mo,napapansin ko yung mga pagbabago mo saken. Mukhang nagsasawa ka na nga yata sa relationship na meron tayo. Di kaya nakahanap ka na ng iba?"

"A-ano? And now you're accusing me that I'm cheating behind you? Oh my God"

"Sa bibig mo galing yan"

Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula dito saka ito umiiyak na lumayo sa kanya.

"Pinaglaban kita,naging desperado ako para mabawi ka kay Jimin tas pagpapalit lang kita? Gago ka pala eh! Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko! Naiinis din ako sa sarili ko at nagtataka din ako kung bakit nagbabago ako o ang ugali ko. Iniisip ko nga baka dahil sa pagod kaya nababaliw na'ko. Nagpakunsulta na'ko sa psychiatrist pati kay Taehyung pero iisa lang ang sinasabi nila. It was just on my mind"

"Pa'no ko naman malalaman ang mga pinagdadaanan mo kung mas pinipili mong iwasan ako kesa sabihin saken lahat ng problema at mga gumugulo sa isip mo?! Binabalewala mo'ko"

Parang gusto niyang tumakbo palapit dito at ikulong ito sa mga bisig niya,Oh how he hates seeing his lover crying. Kahit madalas silang magtalong dalawa,hinding-hindi naman niya gugustuhing makita itong umiiyak kaya kahit upset din siya about sa dahilan ng pagtatalo nila,siya na yung magpapakumbaba para lang magkaayos at magkabati sila.

Kookmin feat. Taehyung presents: Inside my heart is YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon