Good side

498 15 1
                                    


"Aish,kailangan ba dapat ding i-off ang phone niya?! Tsk,under kasi masyado sa parents niya lalo na sa in law niya psh!"
Naiinis na naibato ni Taehyung ang phone niya dahil pangalawang araw na niyang hindi makontak ang kasintahan na si Jungkook.

"Doc,may naghahanap po sa inyo. Kapatid niyo daw po"

"Jin-hyung? Oh come on let him in!!"

Tumalima naman ang nurse sa kanya at di nagtagal bumukas ang pinto at pumasok ang nakatatanda niyang kapatid na si Jin. Nakangiting tumayo siya sa kinauupuan para salubungin ang kapatid.

"Hi Taetae"

"Hello hyung..kumusta ka? Naka-move on ka na ba sa ex mo?"

Hindi agad nakasagot ang kapatid but instead, niyakap lang muna siya nito saglit  bago hinarap.

"H-Hindi madaling kalimutan na lang yun ng basta-basta, Taehyung. Besides,ako yung nang-iwan sa kanya at nakipag-break"
Pag-amin nito that made him silent. Akala pa naman kasi niya,ang ex nito ang nagloko,galit na galit pa naman siya kay Namjoon.

"B-bakit mo naman siya iniwan hyung?"

"It's.....A long story and I'm not ready yet to share it with you Tae. Bumalik ako para asikasuhin ang trabaho ko dito sa Seoul. Enough about me,let's just talk about you. Ikaw? Okay ka lang ba? Kinasal na pala si Jungkook sa iba"

Sumimangot siya saka hinila ang kapatid paupo.

"Okay lang naman ako,hyung. Sa papel lang naman siya kasal pero ako ang mahal. We're still together"

"What?! Taehyung naman,bakit ka naman pumayag na maging kabit lang? Aish,itigil mo na yang pakikipagrelasyon sa taong may asawa na. Sa mata ng Diyos at mata ng ibang tao,kasalanan ang ginagawa mo"

"How is it my fault?! And for your information hyung,wala akong paki sa sasabihin ng iba. Pinikot lang naman siya ng asawa niya ngayon eh. Ang taong yun ang may kasalanan ng lahat hindi ako.. Iniingatan ko lang ang alam kong akin"

"Taeh--

"Enough hyung! Ayokong mag-away tayo kasi miss na miss pa naman kita. Hindi ako makikipaghiwalay kay Jungkook, and that's final"

His brother sighed,while shaking his head. Tama,paninindigan niya ang sinabi niya. Ipaglalaban pa din niya si Jungkook kasi totoo naman na siya ang mahal eh.

"Bahala ka,sige gawin mo ang gusto mo Taehyung. Hindi tayo pinalaki ni Lola para lang makihati ng attention ng ibang tao"

"W-wag mong idadamay si Lola dito,hyung. Ahh,you ruined our moment. Please leave"

"Tae--

"Alis na! May mga pasyente pa'kong aasikasuhin"

"Fine.. Then goodbye,Taehyung. By the way before I forgot,dalawin mo naman daw si Lola sa Daegu,miss na miss ka na niya"

Hindi na siya hinintay pa ng kapatid na makapagsalita,umalis na ito.

"Doc,may pasyente po kayo"

"S-sige,papasukin mo na"

"Yes Doc"

Napapabuntong-hininga na ipinilig niya ang ulo,trying to clear his mind muna. Saka na o kaya pag free na siya na niya iisipin ang di niya mahagilap na si Jungkook,plus ang sinabi ng kapatid niya tungkol sa lola nila.




.

.

.

Meanwhile,kahit gustong-gusto ng sagutin ni Jungkook na sagutin ang tawag ni Taehyung sa kanya,hindi pwede dahil isinama sila ng Papa ng asawa niya sa Busan para sa isang charity event. Palaging nakadikit silang mag-asawa sa nakatatandang Park kaya todo iwas talaga siyang mabisto ang relationship nila ni Taehyung.

Kookmin feat. Taehyung presents: Inside my heart is YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon