"Babe,kain ka muna"Untag ni Taehyung sa kanya na may bitbit pang tray of food pang miryenda niya dahil kanina pa siya nagta-type sa laptop niya para sa project na pinapatapos sa kanya ng Daddy niya.
May work siya sa office but since nakapangako siya kay Taehyung na maghapon silang magkakasama,maaga talaga siyang gumising para makapunta siya dito sa bahay ng kasintahan niya. At least magkasama pa din sila kahit may ginagawa siyang trabaho. Nagdahilan nalang siya sa Daddy niya na sa bahay na lang siya magta-trabaho dahil masakit ang ulo niya.
"Thank you. Niluto mo?"
"Pftt,siyempre hindi. Hindi ka na nasanay saken alam mo naman na wala akong talent sa pagluluto"
"Onga pala"
Bahagyang natawa lang si Taehyung,and starts massaging his shoulders habang nilalantakan niya ang miryendang in-order nito online.
"Babe,maalala ko nga pala. Bakit parang magkakilala kayo ng Namjoon na yun? Di mo din yun binanggit saken"
Curious niyang tanong.Hindi ito agad sumagot at tumigil sa pagma-massage sa kanya saka lumipat ng pwesto sabay upo paharap sa kinauupuan niya.
"Wala naman talaga akong balak banggitin pa sayo dahil di naman yun importante. But since you asked,fine sasabihin ko na. Yang si Namjoon,ex siya ng Kuya kong si Jin kaya kilala na niya ako ganun din ako sa kanya"
"Really? Bakit naman sila naghiwalay ng kapatid mo?"
"Malay ko,wala naman kasing kinu-kwento saken si kuya eh. Di kaya dahil dun sa asawa mo? Mang-aagaw talaga,lahat na lang nahuhulog sa charms niya tsk. I admit he's really beautiful and pretty but I don't like the fact that he's a spoiled brat"
Natahimik siya saka muling hinarap na lamang ang pagkain,pretending that he's working but in fact? Medyo curious siya sa isang bagay.. Bakit tila napakaliit ng mundo para sa kanilang lahat? Ang ibig niyang sabihin,tila nakatadhana na magtagpo-tagpo sila..
"Uy, natahimik ka..okay ka lang ba?"
Tapik ni Taehyung sa kanya that made him back to his senses."O-oo naman. Anyways, maiba ako. Nasaan ang kuya mo? Di ko na siya nakikitang nagpupunta dito"
"Ahh~ yun ba? Busy lang siguro kasi campus doctor din siya dun sa university na pinapasukan niya. Pero tumawag siya saken kagabi,sabi niya dadalaw daw siya saken kung hindi ngayon baka sa ibang araw"
"I see.. O kain ka din"
Pang-iiba na niya saka ito sinubuan. Tatawa-tawang sinaluhan naman siya nito sa pagkain habang tinatapos niya ang work niya.
Nagkukulitan silang dalawa nang bitinin sila ng maingay na pag-ring ng phone niya. Ang father in law pala niya. Sinenyasan niya si Taehyung na wag magsasalita na tumango naman at tila nauunawaan siya. He cleared his throat before he answered the call.
"Hello po Papa?"
"Hello Jungkook,nasa trabaho ka ba?"
"Nasa bahay lang po ako. Bakit po?"
Di niya maiwasang kabahan kapag kinakausap siya ng biyenan niya.
"Wala naman. Papunta ako ngayon sa bahay niyo ng asawa mo. Tulog pa ba siya?"
"P-po? Ah,opo. G-gusto niyo po ba gisingin ko?"
Napaayos siya ng upo saka tarantang nililigpit na ang mga gamit niya. Eto na naman siya,kailangan niyang magmadali at umuwi agad para maunahan niya ang biyenan niya na makarating sa bahay.
BINABASA MO ANG
Kookmin feat. Taehyung presents: Inside my heart is YOU
FanfictionPark Jimin is a spoiled brat. Lahat ng gusto niya,nakukuha niya. Lahat ng naisin niya,handang ibigay ng mahal niyang Papa. Kahit ano gagawin niya,basta mapasakanya ang ninanais niya. Kahit pa ang makapanira ng isang relasyong mas matatag pa kesa sa...