"Jimin! Nasa loob ka ba? Mag-usap tayo please!"
Sigaw niya mula sa labas ng malaking bahay ng mga Park.Ayaw na naman kasi siyang papasukin ng mga guards dahil nakilala at natatandaan siya ng mga ito.
"Jungkook? Bakit nandito ka na naman? Diba nasabi ko na sayo na hindi mo na kailanman makikita ang anak ko?"
"P-Papa..I mean,Sir Jiyoung pakiusap kailangan ko pong makausap si Jimin..payagan niyo na po ako"
"Hindi! Pag sinabi ko na,hindi ko na babawiin"
He kneeled, too desperate to see Jimin and their son. Ngayon may dahilan na siya para subukang ayusin ang mga pagkakamali niya noon lalo't may nag-uugnay na ngayon sa kanila.
"Sir please,give me one more chance to get my family back"
"Anong sinasabi mo?"
"Alam ko na po ang lahat..Papa,please isa pa pong pagkakataon na maayos ko ang pamilya ko. Oo gago ako,aminado po ako pero nagbago na'ko at handa pa din akong magbago para kay Jimin at sa anak namin"
"At pa'no mo naman aayusin ang pamilyang sinasabi mo kung ikaw mismo ang sumira nito?! Anong gagawin mo ha?"
Hinawakan niya sa magkabilang binti ang dati niyang biyenan,eyes pleading with his tears falling down already.
"Papa,i-isa pang pagkakataon please. Bigyan niyo naman po ako ng chance para ipadama ko kay Jimin at anak namin ang pagmamahal na hindi ko naipadama sa kanila. Lahat gagawin ko,papatunayan ko po sa inyo na nagsisisi na'ko sa nagawa ko. Pa,please"
"T-Tumayo ka na diyan. Kung may magbibigay ng chance sayo ang anak ko yun. Wala siya dito dahil umalis sila ng anak ninyo"
"Po? S-sa'n po sila nagpunta? I-Iniwan na naman ako ni Jimin?"
"Hindi. Gusto lang niyang magkaroon ng oras para makapag-isip. Ngayon kung talagang handa kang patunayan ang na nagsisisi ka at gustong bumawi sa pamilya mo,hihintayin mo sila. Hindi ko din alam kung sa'n sila nagpunta,pero siguradong babalik sila"
Nanlulumo siya sa kaalamang lumayo na naman si Jimin sa kanya. Naiintindihan naman niya ito na marahil natatakot ng pagkatiwalaan siya at masaktan lang niya ito. Maging siya,natatakot na baka masaktan lang niya ito ng hindi sinasadya.
"No,I won't let that happen"
"Tumayo ka na diyan at umalis na. Kung hindi ka tatanggapin ng anak ko,hindi na din kita tatanggapin. Tuluyan ka ng mawala sa buhay namin,pero kung mapagdesisyunan niyang bigyan ng pagkakataon na hinihingi mo,pag-ingatan mo yun at patunayan na nagbago ka na. Higit sa lahat,wala kang dapat siguruhin kundi ang magiging masayang kinabukasan ng anak ko at apo ko"
"Papa"
"Don't call me that,hindi na kita manugang. At hindi pa kita tinatanggap ulit sa pamilya ko. Wala na din akong tiwala sayo"
"S-sorry po Sir"
Tumayo na siya mula sa pagkakaluhod niya,at nag-bow dito bago laglag ang mga balikat na umalis. Agad niyang tinawagan ang Mommy niya para papuntahin sa bahay niya. Kailangan niya ng kasama at pipigil sa kanya na gumawa ng masama,ang Mommy niya ang best choice niya para dun.
.
.
.
"H-Hyung pa'no nangyari na kayo na ulit ni Namjoon? Kaya ba secret ang relationship niyo huh?"
BINABASA MO ANG
Kookmin feat. Taehyung presents: Inside my heart is YOU
FanfictionPark Jimin is a spoiled brat. Lahat ng gusto niya,nakukuha niya. Lahat ng naisin niya,handang ibigay ng mahal niyang Papa. Kahit ano gagawin niya,basta mapasakanya ang ninanais niya. Kahit pa ang makapanira ng isang relasyong mas matatag pa kesa sa...