Inside my heart is You (Outro)

772 14 3
                                    


Jimin's pov

Sabi nila ang pag-ibig daw walang pinipiling edad,kasarian,gap and even distances. Love is a big surprise. Magugulat ka nalang isang araw na nagmamahal ka na pala ng hindi mo man lang namamalayan.

Love is something that can give and make you feel different feelings. A roller coaster of feelings,parang ganun. Enjoyable,funny,it'll make you feel happy and hurt at the same time.

It'll make you confuse too,literally and most of that emotionally.. Even make things complicated! Ahh~ di lang siya masakit sa heart masakit din sa ulo ehe.
But despite of that,LOVE can also teach people how to forgive,love can heal too. Madami ang nababago ang love sa buhay ng isang tao. Love is for every human being..love for family,friends,neighbors and most of that for lovers. Miski siguro kahit ga'no pa kasama ang isang tao,may pagmamahal pa ding natitira sa kalooblooban ng puso niya.

Love can change people's undecided minds. Love can make chances too. Kahit ga'no pa kasakit ang naidudulot ng love,meron at meron pa ding puwang sa puso ang pagpapatawad na handang magbigay ng pagkakataon. A chance to fix everything that had ruined.

Kung meron pa namang parehong pagmamahal,bakit mo ipagkakait yung chance? Ako kasi,di ako yung tipo ng tao na hindi porke nagkasala ang isang tao,pagsasaraduhin ko na ng pinto. Ayokong magkimkim ng galit kanino man.

Lalo na sa taong minahal ko ng sobra at tunay. At yung taong yun ay walang iba kundi si Jungkook.. But let's not talk about him yet.

I'll start with my Papa muna kase simula palang na naisilang ako sa mundong ito,siya ang unang tao na nagparamdam at nagturo saken ng pagmamahal. Lumaki man akong spoiled,salat sa pag-aaruga ng isang ina...pero ang Papa ko ang pinaka the best na tatay sa mundo. Mag-isa niya akong inalagaan,na kahit isinilang ako mula sa isang maginhawang pamilya,hindi pa din niya kinalimutang ituro saken kung pa'no maging simple at mabuting tao,iminulat niya ang mga mata ko sa mga mabubuting gawa at higit sa lahat pinalaki niya akong may takot sa Diyos.

Kahit mag-isa lang siyang magulang ko,di ko naramdaman na kulang ang pagkatao ko dahil sa pagmamahal niya kinumpleto na niya ako.. Saludo ako sa mga single parent all over the world na kahit mahirap,nagagawa at kinakaya talaga nilang makapagpalaki ng kanilang mga anak.

Siyempre di ko kakalimutan ang mga kaibigan ko na sina Jas and Joon na simula palang nanatili na sa tabi ko. Di ko din pwedeng hindi i-mention ang iba pa na sina jin,Jhope Yoongi,Jaemi and Taehyung. Sila ang mga itinuturing kong mga kapatid. Masaya silang kasama at tila ba walang problema pag magkakasama kaming lahat.

Ang bilis ng panahon na parang kailan lang ang lahat. Pftt pero 4 years na pala ang nakararaan hihi.

Happily married na sina Jin at Namjoon with their four years old son Jordan at ngayon ay preggy ulit si Jin! Ah am so happy for them. Same goes to JHope ang Yoongi na 2 years married na with their cute daughter named Anya na halos kasing edad ng bunso ko na magtatatlong taong gulang. Isa na ngayong composer plus tutor si Yoongi while jhope stayed as a professor. Si Jaemi na finally nakatagpo na din ng tamang tao na makakasama niya forever. Ang dati kong assistant,co-owner na namin ni Jas sa cafe na dumadami na ang mga branches so I'm very glad to have her as my friend. Nagmatured na siya,yes! Haha.

And lastly it's Taehyung and Jas na finally engaged na! Hindi man naging maganda ang naging simula ng pagkakakilala namin ni Taehyung,he's actually my great and best friend too now.Actually,wala na'kong selos or threat na napi-feel kapag nagkakausap o nagkaka-moment sila ng asawa ko. Siguro ay talagang wala na,na tapos na yung sa kanila so panatag na'ko. And silang dalawa ni Jas ang nagsusumikap na magkaayos kami ni kookie pag nagkakatampuhan kaming mag-asawa. So am really greatful and thankful for them to be a part of my daily life.

Kookmin feat. Taehyung presents: Inside my heart is YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon