The parents' sentiments

530 14 0
                                    


"M-Mina,umuwi na tayo hmm? Bukas dadalaw saten ang apo natin--

"Umuwi ka na Junsu. Hindi ko iiwan ang anak ko dito. Kung ikaw natitiis mo si Jungkook ako hindi. Sobra na ang pambabalewala mo sa bata. Ako ang nasasaktan para sa anak natin"

"Mina-

"I said leave! Don't make me say that again Junsu. Ganun na ba talaga kalaki ang kasalanan ni Jungkook para halos itakwil mo na siya? Natiis mo siya ng tatlong taon! H-hindi na yata ikaw ang kilala kong asawa ko na mahal na mahal ang anak ko. Magiging masaya ka ba kung mawawala siya ha?! Hindi mo alam kung anong mga pinagdaanan niya nung nakalipas na tatlong taon! Gabi-gabi na umiiyak siya,hindi kumakain ng tamang oras he's literally punishing himself! Sobrang nagagalit din siya sa sarili niya at alam mo ba na muntik na yang magpakamatay ha? Hindi diba?! Kasi binubulag ka ng galit mo sa sarili mong anak!"

Hindi na napigilan ng ina ang kanyang emosyon,dahil nasasaktan na din siya para sa minamahal niyang anak na si Jungkook. Dati hindi siya kumikibo pero iba na ngayon ang sitwasyon.

Naaawa na siya sa anak niya,sa nakikita niyang pambabalewala ng asawa niya sa anak nila. Walang sinomang ina ang kayang tiisin ang kanyang anak lalo na siya.

Buong buhay niya,minahal at inalagaan niya ang anak niyang si Jungkook.. Labis ang saya niya nung maayos niyang nailuwal ang nag-iisa niyang anak,kaya iningatan niya ito sa abot ng makakaya niya. Ni minsan hindi niya hinayaan na magkasugat si Jungkook,ni ang madapuan ng kahit anong insekto.

Kaya ang makita itong umiiyak at nasasaktan, mas doble ang hatid nun sa kanya. Bilang ina na labis ang pagmamahal niya sa kanyang anak,hinding-hindi siya mag-aatubiling gawin ang lahat para lang ibsan ang lungkot at sakit na dinaranas ng kanyang anak. Mas lalo din siyang nasasaktan dahil isa ang asawa niya na daddy ni Jungkook ang dahilan kung bakit nasasaktan ngayon ang anak niya.

"Sweetheart"

Pinahid niya ang mga luha niya,completely ignoring her husband. Tatalikod na sana siya but sakto naman na bumababa ang anak niyang si Jungkook kasama si Jimin.

"O mga anak,maghahating gabi na lalabas pa kayo?"
Usisa niya sa dalawa.

Napansin niya ang parehong pamumugto ng mga mata ng dalawa,she guess na galing sa pag-iyak ang mga ito kaya parang nadudurog lalo ang puso niya.

"Ihahatid ko lang po si Jimin sa kanila Mom. Baka hanapin siya ni uncle Jiyoung"

"Kung gusto niyo tatawagan ko na lang siya para sabihin na dito na magpapahinga si Jimin. Gabing-gabi na eh"

"Kookie,magpahinga ka na lang. May car naman akong dala so,kaya ko ng umuwing mag-isa. Pasensya na po sa abala Mommy Mina,Daddy Junsu"

"No,I won't let you go home alone Jimin. Lika na mm? Mom,D-Dad uuwi po ako agad"

Humalik muna ang dalawa sa kanya pero si Jungkook agad ng tumalikod sa Daddy nito kaya si Jimin lang ang yumakap sa asawa niya.

"I-Ingat ka sa pagda-drive Jungkook. Yang asawa mo kasama mo siya k-kaya wag masyadong mabilis"

"I will Dad..lika na Hon"

Magkahawak-kamay na lumabas na sina Jimin at Jungkook habang naiwan sila ng asawa niyang si Junsu na nakatingin lang sa kanya na tila ba may nais sabihin.

She rolled her eyes and looked away. She's still annoyed at her husband's behavior towards their son Jungkook.

"Sweet--

"Umalis ka na. Hihintayin ko pa ang pag uwi ng anak ko"

"Uy talk to me muna mahal"

Kookmin feat. Taehyung presents: Inside my heart is YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon