"M-may iba na si Jimin at may anak pa? Grabe,napanood kaya ni Jungkook malamang ang ex husband niya"
Komento ni Jin after na mapanood nilang magkapatid ang interview kay Jimin.He scoffed,hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis sa napanood. Mukhang masaya na nga si Jimin sa buhay nito samantalang sila ni Jungkook,nagdudusa pa din sa sakit. Si Jungkook na nangungulila kay Jimin at siya na nag-aasam pa din ng pagmamahal ni Jungkook na nauna namang kanya.
"Sana hindi napanood ni Jungkook yan. At kung ganun man,wala akong balak sabihin sa kanya na nakita din natin siya--
"Nakita niyo siya? Kailan pa siya nakabalik dito? At bakit wala kang balak sabihin saken ang tungkol kay Jimin?"
Sabay silang napalingong magkapatid kay Jungkook na tila narinig ang pag-uusap nila ni Jin. His eyes widened in shock.
"K-Kook--
"Tinatanong kita Taehyung.. Hyung?"
"Last week lang. S-sa isang kainan and he's with Namjoon"
Ang kapatid na niyang si Jin ang sumagot kay Jungkook. He bit his bottom lip,closing his eyes as he's expecting Jungkook to shout at him and be mad for not telling about Jimin...but a painful sighed only can be heard.
"S-so pwedeng si Namjoon ang tatay ng anak niya? At wala na'kong pag-asa na masabi sa kanya kung ga'no ako nagsisisi sa mga nagawa ko"
"J-jungkook"
Ngayon lang niya nakitang lumuha at umiiyak si Jungkook. Maging nung sila pa na kahit madalas kung magtalo sila,pero ni minsan ay hindi umiyak si Jungkook lalo sa harapan niya. Ngayon lang talaga.
"Kung mahal mo siya bakit hindi mo siya ipaglaban? Kook,alam mo mahal kita diba? What would you like me to do to help? Kung gusto mo kakausapin ko si Jimin para say--
"Taehyung, he deserves to be happy. I am such an asshole cuz I did something unforgivable to him. And Namjoon is a perfect guy"
"Wag kang susuko Jungkook. Tutulong ako,kung kinakailangan na guluhin ko si Namjoon I would. May anak man sila,hindi pa naman sila kasal eh. I'll win Namjoon back,and you'll do the same to Jimin. Panahon naman na para may gawin tayo diba? Ipaglaban natin ang mga mahal natin"
Sabad ng kapatid niya na may luha na din sa mga mata niya."Hyung,k-kilala mo si Namjoon?"
"Oo Jungkook,ex ko siya. Kaya wag ka munang sumuko"
Nabaghan siya sa nakikitang pag-iyak ni Jungkook at nalulungkot din siya para sa kapatid. Akala niya talagang naka-move on na ito kay Namjoon,mukhang hindi pa pala. Miski siya na kahit mahal pa niya si Jungkook, handa niyang isantabi ang sarili basta kung magiging masaya ito.
"I...i don't know, hyung. Ayoko ng saktan si Jimin dahil sobra-sobra na yung nagawa ko sa kanya. Kalabisan na kung sisirain ko pa ang pamilyang bumuo sa kanya"
"But you love him, Jungkook! Fight for him!"
Sabad na niya. Umiiyak pa din na tumayo si Jungkook mula sa kinauupuan nitong silya at niyakap siya."Pa'no ako lalaban kung wala na'kong pinaglalaban?"
Naka-relate siya dun..ibig sabihin pareho sila ng nararamdaman. Pa'no din siya lalaban,kung wala na siyang ipaglalaban? Funny it may seems,dahil ang gusto pa niyang ipaglaban,pinapayuhan niyang ipaglaban din ang ngayong nagmamay-ari na ng puso nito..
.
.
.
Jimin's pov
BINABASA MO ANG
Kookmin feat. Taehyung presents: Inside my heart is YOU
FanfictionPark Jimin is a spoiled brat. Lahat ng gusto niya,nakukuha niya. Lahat ng naisin niya,handang ibigay ng mahal niyang Papa. Kahit ano gagawin niya,basta mapasakanya ang ninanais niya. Kahit pa ang makapanira ng isang relasyong mas matatag pa kesa sa...