"Oh,umiiyak ka na naman Taehyung? May mga pasyente ka ng nagsisidatingan dun sa labas"Sita sa kanya ng kapatid niyang si Jin na regular siyang dinadalaw sa hospital na pinagtatrabauhan niya,checking and taking care of him. Ito lang naman kasi ang sumama sa kanya sa mga panahong di niya maiwasang malungkot at umiyak hanggang ngayon na three years na ang nakalipas since nag-break sila ni Jungkook.
Agad niyang pinahid ang mga luha niya.
"Wala 'to hyung,alam mo naman na daily routine ko na ang ganito..its like became my hobby to become emo every now and then"
"Pftt,ang luma naman ng palusot mo. As if naman na hindi ko alam kung sino ang iniiyakan mo pa din hanggang ngayon. Mukhang mali ang hinala ko na ikaw pa din ang mahal ni Jungkook. Sorry Tae,pinaasa lang pala kita sa wala"
"Okay lang hyung. Pareho tayong nagkamali. Anyways,galing nga pala ako kanina sa office ni Jungkook at binigay ko sa kanya yung ginawa natin na kimchi sa kanya. He liked it"
Hinawakan ng kapatid niya ang kamay niya at bahagya yung pinisil.
"Bakit hindi mo subukan na buksan ang puso mo para sa iba? Open your heart once again,Tae.."
"H-Hindi pa'ko handa sa ganyan Hyung.. Pero kung may chance naman,di ko naman pipigilan ang sarili kong magmahal ulit"
"That's good to hear then"
"Eh ikaw, hyung? Kelan mo ba balak magmahal ulit at palitan si Namjoon sa puso mo?"
Lumungkot ang mukha ng kapatid niya just mentioning about his ex boyfriend. Isa pa din kasi itong hindi maka-move on. Sinubukan naman talaga nila pareho,they'd even try something new pero wala ding nangyari.
"Iba ang sitwasyon ko sa sitwasyon mo Taehyung. Buti ka pa may closure na kayo ni Jungkook,e ako? Wala. I did something wrong and me being hurt is the consequences that I should pay for leaving Namjoon without clear reasons. Ang mag-isang magmahal ang parusa ko sa nagawa ko sa isang taong napakabuti. Kaya ngayon palang tinatanggap ko ng ganito na lang ako"
"Hyung.."
"Hayy~ ibahin na nga natin ang usapan,ayokong mag-senti dito. Tara labas tayo,libre ko"
He giggles and playfully patted his hyung's broad shoulder.
"Madami akong pasyente,sabi mo"
"Joke lang yun..tinanong ko yung nurse mo,wala ka naman daw session ngayon..so tara na!"
He laughed and just let his older brother to drag him wherever they desire to go. Pagkatapos nga naman niyang magdrama,mabuting aliwin muna niya ang sarili. Sabi nga ng lola niya,maikli lang ang buhay kaya dapat sulitin yun kahit ga'no pa kalaki ang problemang kinakaharap.
Meanwhile,after 16 hours flight saktong 7pm lumapag ang eroplanong sinasakyan nina Jimin at Namjoon kasama si Yunho na nakatulog na sa sobrang haba ng oras na kanilang ibinayahe mula estados unidos hanggang sa Incheon airport.
Sinalubong sila ng Papa niya at tumulong na kay Namjoon sa pagbubuhat ng mga maleta nila habang siya na ang kumarga sa bata.
"Welcome back anak.. Nagpa-book na lang ako sa pinakamalapit na hotel para makapagpahinga na kayong tatlo at bukas na tayo lahat uuwi sa Busan"
"Opo Pa,salamat sa pag-aasikaso ng lahat"
"Onga po,the best ka talaga uncle"
"Ako pa ba? Haha"
He giggles to his Papa's antics habang inaalalayan sila ni Namjoon na makasakay sa sasakyan. Dumiretso nga sila sa hotel para ipahinga muna ang jet lag nil at para makakain. Na-miss yata niya ang mga korean delicacies na sobra niyang kinatakaman at sobra niyang kine-crave.
BINABASA MO ANG
Kookmin feat. Taehyung presents: Inside my heart is YOU
FanfictionPark Jimin is a spoiled brat. Lahat ng gusto niya,nakukuha niya. Lahat ng naisin niya,handang ibigay ng mahal niyang Papa. Kahit ano gagawin niya,basta mapasakanya ang ninanais niya. Kahit pa ang makapanira ng isang relasyong mas matatag pa kesa sa...