A/N: This Scene has skipped part..
☠☠☠☠☠☠Prelude☠☠☠☠☠☠
Naglalakad na ako papasok sa classroom.. Grabe ang kaba ko ngayon. Ibang iba to kesa sa mga mission na natatanggap ko.
I'm 15 already, I took missions at the age of 10. Isa na rin akong ganap na assasin. Pero dahil sa utos ni Mom ay Hindi muna kami tatanggap ng anumang misyon dahil mag-aaral daw muna kami.
Napatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa malapit sa bandang leeg ko which makes my body shivered.
"Good morning Beautiful.. " bulong nito.
Napapikit ako ng marahan dahil sa mainit na hininga niya.
"G-good morning din.. " Halos pigil hininga ako habang nagsasalita.
Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko!
I know this is just an infatuation pero ano magagawa ko? Sa murang edad ay nakaramdam na ako ng ganito.
He's the only one na nag lakas ng loob na lapitan at hawakan ako. Sa dalawang taon ko ba namang pag-aaral dito ay halos lahat ng lalake takot saken. Kung Hindi sa tingin ko ay ang bulyaw naman ng kakambal ko.
"Sabay na tayo sa classroom? " His smile makes my day complete.
Hindi ko namalayan na magkahawak na pala ang kamay namin. May nakakasalubong kaming ibang estudyante at napapatili.
Bagay 'daw' kasi kami -,-
Pilit Kong itinatago ang mukha ko dahil sigurado akong pulang pula ako ngayon!
Pag pasok namin ay napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa. Matalim na titig ang binigay ng kakambal ko sa magkahawak naming kamay.
Mas lalong suminangot ang mukha niya ng Hindi kami magkatabi.
"Bayaw tabi muna kami ha? Don't worry she's safe with me.." Hindi ko alam kung kikiligin ako o maasar dahil sa ka kornihan ng lalakeng to.
Ang kapal Lang ng mukha. Maka bayaw wagas
Hindi naman siya pinansin ni Zic.
Natapos ang pang umagang klase ay nagkayayaan naman kaming kumain ng sabay ngayong lunch. Kasama ko si Zic, Shawn at ang dalawang kaibigan niya.
"I'll order for you my princess.. What do you want? "
Bwisit ang lakas Pa ng pagkatanong niya kaya natahimik ang lahat ng tao sa Cafeteria. Ngayon lang nila nakita ang ganitong side ni Shawn.
Punyemas! Nakakahiya!
"A-anything.. " nakayukong sagot ko.
"Alright I'll be right back.. Tara na bayaw hehe.. " Feeling close Pa talaga..
"Tch.. " naiwan ako dito sa mesa.
Ang ayoko sa lahat ay atensyon. I'm a distant person ngayon Lang ako napalapit sa ibang tao simula nung ligawan ako ni Shawn. Ewan ko ba, pakiramdam ko ay nagbago ako.
"Here's your order my princess.. " napaangat ako ng tingin. Nakangiti nyang inilapag ang tray na may Kanin, Beefsteak , Bopis at Lemon Juice.
Shet! Heaven!
Kilala nya talaga ako. Alam nyang paborito ko.
"Salamat.. " I smile.
"Anything for my princess.. " umupo na siya sa tabi ko. Sa Kabila ko naman ay si Zic.
YOU ARE READING
My Maniac Roommate
Teen FictionCindy Andrea Smith. A newly adopted daughter of Smith family wherein she will meet the guy named Liam Carmona who unfortunately her Roomate. Will they get along together? AUTHOR: Zelloraine (Zel) Date started: April 23, 2018 Date Ended: Nov 12, 2...