Chapter 62: Humunos Perfecta

2.3K 93 6
                                    

Liam's Pov

Hindi ako mapakali, kanina pa ako Hindi mapalagay. Parang masama ang kutob ko. Ewan!

"Tumigil ka nga Liam! Hindi kaba nahihilo?! " Sigaw ni Dylan.

"Oo nga hijo, Magiging maayos din ang lahat. Kaya ni Cassandra yun" Lolo Alex.

It's been 2hrs! Hindi parin lumalabas ang doctor.

"Kanina Pa sila sa loob, wala pang lumalabas! " sagot ko sa kanila.

Maya maya Pa ay lumabas ang Doctor. Agad naman akong lumapit sa knya at hinawakan sya sa balikat.

"Doc how is she?! Ang asawa ko?! Ang mga anak ko?! " tuloy tuloy Kong tanong.

"The Mother and the babies Condition are not stable. Masyadong maraming dugo ang nawala sa Ina ng bata. At ang kambal mahina ang heartbeat nila. As you can see may tama sya sa tyan that cause a lot of bleeding at nasugatan ang bata sa loob.. Ngayon ililipat namin sila sa ICU.. Excuse me.. "

Nanlambot ang mga tuhod ko sa sinabi ng Doctor. Napaluhod ako at humagulgol sa pag iyak.

"W-why? Bakit kelangan Pa nilang maranasan to? " naiiyak na sambit ko.

Nilapitan naman nila ako at pilit pinapagaan ang loob ko.

"Don't worry hijo, makakaya nila yan. Malakas ang mag iina mo. You need to be strong para sa kanila" Lolo Alex.

Yeah he's right. Malakas nga sila, but it can't take away my worries.

"I think I can help" napatayo nalang ako ng marinig ko ang boses ni Ford.

"What do you mean? " tanong ko.

May kinuha sya sa bulsa nya. Dalawang test Tube na kulay itim.

HMP01 ang nakalagay. What's that?

"Hijo yan ba ang huling Vial? " tanong ni Lolo.

"Opo, I think this is all we need but dalawa Lang ito. It can only be injected to two persons" paliwanag nya.

Hindi ko sila maintindihan.

"I see. At tanging matuturukan lang nyan ay ang nakatanggap ng ilang syrum at venoms from the first process. " O-kay? Na o-op na ako.

"Sino ba ang receptor? " tanong uli ni Lolo.

"The twins"

"Ano?! Anong ibig mong sabihin?! " Pa sigaw na tanong ko.

"Relax hijo. Kung ganun kelangan na ntin isagawa ang huling proseso. Thank you for helping. I know your doing the right thing. Mana ka talaga sa Mama mo" Naguluhan naman kmi sa sinabi ni lolo.

"You know my mom? " tanong ni Ford.

"Haha, of course! Parang anak na rin ang Turing namin sa knya. Kung Hindi lang sana sya ginawan ng masama ng hayop mong ama. Buti at Hindi ka lumaki ng matigas ang ulo. "  sagot ni Lolo.

Naikuyom  naman ni Ford ang kamao nya.

"What do you mean Lo? "Dylan. Nandito pala to.

"Anak ako sa labas. I was 6yrs old back then, He kill my Mom in front of me! Akala nya Hindi ko sya makikilala kahit na nakatakip ang mukha nya?! He has a tattoo on his wrist! Kahit nakatago ako loob ng closet nakita ko k-kung pano nya saksakin si Mama, wala syang awa! Hindi nya pinakinggan si mama but he just laugh like a devil! After that incident I promise myself na maghihiganti ako! I will kill him. At napag planuhan ko manahimik muna dahil wala akong laban sa kanya. Hanggang sa nakuha ko ang tiwala nya." Naiiyak nyang sabi.

My Maniac Roommate Where stories live. Discover now