Prologue

39.8K 808 99
                                    

Prologue ~ Paggising

Third Person's POV:

"Kamusta na siya?"

Tanong ko sa Family Doctor namin na si Doc. Hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising ang babaeng tinulungan ko.

"Wala pa ring pagbabago." Sagot nito.

Dinala ko siya sa bahay ko matapos ko siyang tulungan. Bigla na lang kasi itong mahimatay kaya wala akong choice.

Napatingin ako sa pasyente at pinagmasdan ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakamalay at nag-aalala ako sa kalagayan niya lalo na't buntis ito.

May tube na nakakonekta sa bibig niya at naka-oxygen mask siya. Hindi siya masyadong nakakahinga kaya nilagyan niya siya ng ganiyan.

Habang parang may wire naman na nakakonekta sa tiyan niya. Bawat katawan niya ay minomonitor namin kasama na doon ang mga anak niya.

"Kamusta naman ang kambal sa sinapupunan niya?" Tanong kong muli.

Palagi kong chinechek ang kalagayan nilang mag-iina. Sa pagdaan ng dalawang buwan, ganito lagi ang naging routine ko. Hindi na nga ako masyado nakakalabas ng bahay!

Nasa critical ang kundisyon nito kaya dapat lang na gawin ko iyon. Bilib rin ako sa kaniya dahil nakikita kong lumalaban siya. Pinipilit niyang mabuhay para sa mga anak niya. 

"Habang patagal ng patagal na walang siyang malay, mas nagiging delikado ang mga anak niya."

Hindi ko kilala ang babaeng 'to lalong-lalo na yung lalake. Pero isa lang ang alam ko. Kailangan ng tulong ang babaeng 'to.

Nang una ko siyang makita, puro sugat ang buong katawan niya at anumang oras ay mawawalan na siya ng malay. Ibig sabihin, sa kaniya galing ang mga dugo na nakita ko sa mga damuhan?

Napakunot-noo ako ng noo. Anong ginagawa ng isang babaeng buntis sa gubat at ganito pa ang itsura nito? Kitang-kita sa mukha niya na hinang-hina na siya.

Bago pa ito mangyari, lumapit na ako sa kaniya at sakto namang nasalo ko siya. Buti na lang at hindi ako nahuli ng lalakeng iyon kundi pati ako ay madadamay.

Correction, damay na pala ako dahil sa simpleng pagtulong ko. Pinalipas ko muna ng ilang sandali bago ko inalalayan ang babaeng ito papunta sa bahay ko.

"Mabuti sana kung nagpakita siya ng signs na malapit na siyang gumising pero wala pa rin. Malapit ko ng ideklara na nasa state of comatose siya." Dagdag nito.

Mahigit dalawang buwan na siyang tulog. Akala ko nung una, malapit na siyang manganak pero kambal pala ang anak niya.

Ngayon, ikawalong buwan na niya at sa susunod na buwan na siya manganganak. Ang sabi ng doctor, delikado daw kung hindi pa siya magising dahil maaaring masuffocate ang kambal.

Pero wala pa rin siyang response.

"E paano Doc kung hindi pa rin siya magigising sa susunod na buwan, i-c-caezarian ba natin siya?"

"Depende yan sa sitwasyon niya next month."

Fifty-fity ang buhay niya. Pero umaasa akong makakaligtas siya. Na makakasama niya ang mga anak niya 'pag bumuti na ang kalagayan niya.

"Paano ba yan? Una na ako 'ha? May pasyente pa ako na naiwan sa ospital." Sabi ng Doctor kaya tumango naman ako.

Bawat umaga siyang bumibisita at kung minsan pa, nabubulabog ko ang pagtulog niya sa mga emergency gaya na lang ng pagtunog ng life-machine.

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon