Dedicated to: ate_gandaYhse🖤
Mia's POV:
"A-anong dare ba?" Patay-malisya kong tanong at umiwas sa kaniya ng tingin. Inalalayan ako nitong makatayo at iginaya papunta sa kama niya para makaupo ako.
"Common Mia, I know na alam mo kung ano ang tinutukoy ko. 'Wag mo na akong pahirapan pa."
Talagang sinasalakay na ako ng kaba.
"Bryle magtigil ka nga!"
Tumawa ang damuho. Mas lalo akong kinabahan. Nakakatakot talaga dito sa loob ng kwarto ni Bryle. Hindi mo kasi malalaman kung kailan ka niya gagapangin. Haha!
"Playing hard to get huh?"
Medyo nainis ako sa sinabi niya. Labis na nga akong kinakabahan dito, ganiyan pa ang sinasabi niya. Walang sali-salitang tumayo ako at dumiretso sa pinto. Panay ang tawag niya sa akin pero hindi ko pinapansin.
Nagulat ako ng may humigit sa braso at napaharap kay Bryle na may malungkot na mukha. Napakunot ang noo ko. Problema nito?
"I'm sorry." Malumanay niyang sinabi.
Napapadalas yata ang paghingi niya ng tawad sa akin?
Hinalik-halikan niya ang pisngi ko pababa sa leeg ko. Itutulak ko na sana siya ng marinig ang tatlong salitang nagpabilis ng husto sa puso ko.
"I love you."
Nangilid ang mga luha ko at naging bato ako sa pagkakatayo. Medyo nahimasmasan ako mula sa pagkakahilo. Nakalimutan ko na yatang huminga. Napansin niyang parang natuod ako kaya natigil siya sa paghalik sa leeg ko.
"Are you okay wife?" Tanong niya.
"A-ano nga ulit 'yung s-sinabi mo kanina?" Nauutal kong tanong. Siya naman ngayon ang kumunot ang noo.
"Are you okay wife?" Pag-uulit niya pero hindi iyon ang gusto kong sabihin niya. Umiling-iling ako sa kaniya.
"H-hindi 'yun." Matagal siyang nag-isip. Hanggang sa unti-unting sumilay ang isang ngisi sa labi niya. Narinig namin ang tawanan sa garden kaya napatingin ako doon.
"Kiss muna." Tinignan ko siya ng nagtataka.
Ano bang nakain nito at puro kakornihan ang alam na sabihin? Wala man lang siyang matino na masabi. Okay pa naman siya kanina ah?
"Ikaw yata ang hindi okay Bryle."
Nawala ang kaba ko at napalitan ng pag-aalala. Baka may sakit na siya sa utak pero hindi niya napapadoktor? Nagiging nega na tuloy ako at kung anu-ano ang iniisip.
"I perfectly fine." Sabi nito at tuluy-tuloy na hinalikan ako sa labi na puno ng pagmamahal. Natulala ako at nanatiling mulat na mulat. Kitang-kita ko ang nakapikit na mga mata ni Bryle.
Inilagay nito ang isang braso at sa aking bewang at hinapit ako palapit sa katawan niya. Ramdam ko ang pag-iinit ng katawan niya.
Ginagalaw ni Bryle ang bibig niya pero nanatili akong tuod. Itinigil niya ang ginagawa at lumayo sa mukha ko pero idinikit niya ang noo namin sa isa't isa.
Masasahi kong sweet ang dating 'nun para sa akin.
"I love you."
Hindi ko napaghandaan ang sinabi niya. Pero hindi na ako natulala. Napangiti ako sa wala sa oras at ako na mismo ang humalik sa kaniya. Dala na rin siguro ng epekto ng alak kaya nagkakaganito kami.
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
Roman d'amourNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2
