Chapter 78

22.2K 485 48
                                    

Bryle's POV:

"San punta mo Dude?" Tanong ni Helios sa akin. Bihis na bihis ako dahil may importante akong pupuntahan. Maaaring dun ko makukuha ang inaasam kong kasagutan sa pagkawala ni Mia.

"Sa isang gubat." Sagot ko naman.

Napatawa naman siya sa sinabi ko. Kala niya siguro ay nagbibiro ako. Well,nagkakamali siya sa inaakala niya dahil seryoso ako. Tumingin naman ako sa kaniya ng seryoso at dun siya napatigil sa pagtawa.

Nasa opisina ako ngayon. Mamayang 10am pa ako pupunta doon pero bago yan,inasikaso ko muna ang dapat na asikasuhin dito sa opisina ko. Pinacancel ko na rin ang mga meeting ko sa araw na ito at sinabihan ang sekretarya ko na 'wag na 'wag itong tatawag sa akin. Ayokong madistorbo ang paghahanap ko kay Mia.

"Ba't ka naman pupunta sa isang gubat? Nawala na ba ang interes mo sa pagtatrabaho dito sa opisina mo at balak mo nang mangaso na lang?" Natatawang tanong niya.

"I don't have time for your shitty jokes Helios." Malamig kong sabi sa kaniya at doon na siya natahimik. I've been harsh to him this fast few days. Pano ba naman kase? Mainit na nga ang ulo ko,nakikisabay pa siya sa ganiyang mga pakulo niya!

"Okay okay. Chill dude. Pinapatawa lang naman kita but I guess,I'm not good enough to make you laugh."

Hindi na lang ako sumagot at nagfocus sa mga papeles na nasa harap ko ngayon. Busy ako sa pagpirma ng mga ito nang mapatingin ako kay Helios nang tumunog ang cellphone niya. He gave me an apologetic smile bago sinagot ang tawag.

Such a pain in the ass!

"H-hello?"

"NASAAN KA NA NAMAN BANG LALAKI KA HAH?! KANINA PA UMIIYAK ANG ANAK MO DITO AT HINAHANAP KA!"

Narinig kong malakas na sigaw ng kausal niya. Ang lakas ng bunganga ng babaeng yan! I forget to tell you na may asawa na pala yang si Helios. Pareho kami ng naging kapalaran dahil nakabuntus din ito. Ipinakasal siya sa babaeng yun at apat na taon na silang mag-asawa kasama na ang dalawa nilang anak na limang taon na.

Hindi ko alam ang buong kwento pero nung nabuntis ko si Mia,nabuntis na rin ni Helios ang asawa niya at walang kaalam-alam ang gagu! Saka lang nila malaman nang naipanganak na ang kanilang anak.

"H-honey. P-pwede bang m-mamaya ka na lang tumawag? B-busy ako ngayon eh." Mahinang sagot nung gagu! Andres eh! Maagpapalusot eh hindi rin naman makakalusot!

Takot na takot sa asawa! Amasona naman kasi! Naaalala ko pa nung una niyang makita ang binuntis niya,galit na galit siya dito pero ngayon parang maamong tupa na! Inlove na kasi ang kupal!

"ANONG BUSY?! UMUWI KA NA AT IKAW MAG-ALAGA KA ANAK MO! BUBUNTISIN MO'KO TAPOS HINDI MO MAGAWANG ALAGAAN ANG NAGING BUNGA?!"

Kawawa ang Helios!

"P-p-papunta na." Nauutal niyang sagot. Napabuntong-hininga naman siya nung ma-end na ang tawag. Naaawa naman ako sa kaniya kahit papano dahil sa mabangis niyang asawa.

"So you won't be able to come with me huh?"

"Hindi na Dude. Galit na naman kasi si Misis eh! Si Ivan na lang ang sasama sa'yo na lumipad papuntang gubat na sinasabi mo."

"Kaya kong mag-isa."

"Magkaayos na kasi kayo. Tagal na nun pre!"

Tumingin ako sa kaniya ng matalim. Napapeace sign naman ito at tuluy-tuloy na lumabas ng opisina ko. Napabuntong-hininga naman ako at hinilot ang sentido ko.

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon