Chapter 99

18.5K 357 25
                                    

Mia's POV:

Sa nakalipas na limang araw, naging mas maganda ang pagsasama namin ni Bryle. Walang problema at puro katuwaan ang palaging naririnig sa loob ng bahay namin. Nakikisali rin sina Manang, Brenda at Melon sa pang-aasar ni Bryle.

Maraming nagbago sa ugali ni Bryle. Kung noon ay bugbutin, palaging galit at sinasaktan ako, kabaliktaran naman ng mga iyon ngayon. Masasabi kong may mabuting resulta ang pagsasama namin.

Pero hindi ko maiiwasan na kamustahin ang kambal. Palagi ko itong natatanong sa kaniya at paulit-ulit nitong sinasagot. Iisa lang ang magiging sagot niya at ito ay,

"You know the rules Mia."

Katatanong ko lang kanina kung kamusta ang mga anak namin. Medyo naiinis na ako pero paulit-ulit kong pinapaalala na isang taon ang hihintayin ko. Sa Inang katulad ko, hindi mo naman siguro maiiwasan na kamustahin ang mga anak mo 'diba?

"Naiintindihan ko." Malumanay kong sagot. Lumungkot ang mata ko at tumalikod sa kaniya. Nasa garden kami ngayon kasama ang Pamilya ni Bryle. May konting salo-salo na naman.

Tsaka, nakalimutan kong sabihin na nandito nga pala sina Lola at Tiya. Hindi nila sinabi sa akin kung bakit wala sila nang minsang dumalaw ako noon. Nanatiling tahimik ang mga ito na parang iniiwasan ang tanong ko.

Sigurado rin akong kumalat na ang balita sa amin na isa akong magnanakaw na pawang kasinungalingan lamang. Pero ano pang magagawa ko? May hawak silang ebidensya kaya walang saysay ang pagiging inosente ko.

Hapon na at medyo umiingay na sa labas. Nasa kwarto ako at nagmumukmok. Kanina pa nagsimula ang party pero wala akong gana na makita sila. Kami-kami lang naman ang dumalo at walang mga ibang bisita.

"Ma'am! Lumabas na po kayo diyan! Hinihintay ka na po sa baba!" Sigaw ni Brenda sa labas ng kwarto ko. Napapunas ako sa mga pisngi at dumiretso sa banyo para ayusin ang sarili.

"Susunod ako!" Sigaw ko habang nag-apply ng light make-up sa mukha. Baka kasi mahalata nila na umiyak ako.

Wala akong magawa kundi sumang-ayon na lamang.

Habang pababa ako ng hagdan, narinig ko na ang malakas na sigaw ni Eunice. Mas malakas pa ang sigaw niya kaysa sa music! Grabe! Nakakahiya naman!

"Mia!"

"Huwag ka ngang sumigaw ate! Nakakahiya sa bisita!" Suway sa kaniya ni Grace. Napangiti ako. May naalala kasi akong pangyayari na ganitong-ganito rin. Parang deja vu lang ang peg!

"Musta?" Tanong ko sa kanilang lima.

"Fine." Si Hagen.

"Okay lang. Gwapo pa rin." Si Yevlin.

"Good." Si Zero.

"Matagal ko din kayong hindi nakita ha?" Saad ko. Naupo kami sa isang mesa na wala pang umuupo kaya doon kami pumwesto. Nakita ko rin si Bryle na busy sa pakikipag-usap sa kapamilya niya pero napatingin rin siya sa akin ang ngumiti.

Namula ako na agad na kinantyawan ng mga kupal na mga pinsan ni Bryle.

"Oo nga. Huling beses ka naming nakita noong kadadating mo dito sa Maynila after 6 years!" Si Eunice.

"Nagkaayos na ba talaga kayo ni Kuya Bryle?" Si Zero. May pag-aalala sa tono ng boses niya.

"Oo. Para sa mga anak namin."

"Bakit hindi mo na lang sabihin ate na mahal mo pa rin si Kuya?" Sabi ni Grace na ikinamula ulit ng mga pisngi ko na dahilan para maghiyawan sila. Napatingin ang ibang bisita sa amin.

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon