Chapter 80

23.7K 467 87
                                    

Bryle's POV:

"Ah ganun po ba? Pwede ko po bang makita kahit na litarto lang nila para naman malaman ko kung sino ang pasasalamatan ko kung nagkataon bukod sa inyo."

"Sige Iho. Sumunod ka sa akin at ipapakita ko sa iyo ang litrato nilang pamilya." Madaling magtiwala 'tong matandang 'to! Paano na lang kung magnanakaw ako?

Tumayo naman siya kaya tumayo na rin ako. Naglakad siya pataas habang ako ay nasa likod niya. Malawak ang bahay na'to. Puno ng mamahaling muwebles at mamahaling gamit na tiyak kong nanggaling pa sa ibang bansa.

May chandelier rin pala na talagang nagpaliwanag sa loob. Nakakarelax din ang pagtingin sa labas dahil puro puno. Malalago ang mga ito at bakas-bakas na palagi itong dinidiligan.

Nasa second floor na kami ni Yaya Linda. Mas dumari na rin ang nakikita kong picture frmaes. Mukhang nandito na lahat ng mga frames ng pamilyang pinagsisilbihan niya.

Una kong nakita ay yung lalake na nakangiti sa litrato. Mayroon pa noong bata ito hanggang sa nagbinata. Amaze na amaze naman ako sa mga litrato niya dahil parang ang saya-saya niya nung mga panahong yun. Bagay na hindi ko masyadong naranasan.

"Yan si Sir Bane Iho. Kakatuwa siyang tignan hindi ba? Mababakas sa mukha niya ang labis na kasiyahan. Siya ang isa sa mga Amo ko dito at masasabi kong mabait naman siya. Pero kung minsan,nakakatakot siyang magalit. Wala siya ngayon dito dahil inihatid niya ang kaniyang pamilya sa lungsod para makapamasyal. Pagkatapos niya itong maihatid,diretso trabaho na siya." Kuwento ni Yaya Linda.

Tatandaan ko ang pangalan mo at hahanapin kita sa listaan ng mga mayayamang tao dito sa mundo. Mukhang may ibubuga naman siya pagdating sa yaman.

Naglakad ulit si Manang papunta sa isang litrato na labis ko naman ikinagulat. Si Mia ang nasa litrato! Talaga ngang buhay siya! Tangina! Paano napunta yan dito? Wag mo sabihing siya ang isa pang amo ni Yaya Linda?

"Siya naman si Ma'am Cass. Hindi ko alam ang buong kwento sa pagitan nila ni Sir Bane pero nasisiguro kong mabait siya. Maalaga at mapagmahal siyang Ina sa mga anak nila ni Sir Bane." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

M-may anak siya sa i-iba? Naiisip ko pa lang yun ay parang makakapatay na ako ng tao. Ang lakas ng loob niyang magkaanak sa iba? ASAWA NIYA AKO AT AKO ANG MAS MAY KARAPATAN SA KANIYA!

Kinontrol ko muna ang galit ko at napahinga ng malalim. Ngayong nalaman ko na ang katotohanan na buhay si Mia,siaiguraduhin kong makukuha ko siya ulit!

Naaalala ko na sinabi nitong matandang 'to na namasyal sila Mia sa lungsod. Ibig sabihin sa Maynila? Nasa Maynila ngayon si Mia?

Naglakad pa kami at ipinakita sa akin ang litrato ng dalawang bata na nakatutok ang paningin sa camera. Natuod naman ako mula sa kinatatayuan ko. Kamukhang-kamukha ko sila! Hindi ako pwedeng magkamali! Ito na ba ang anak naming kambal ni Mia?

"Sila naman ang anak nila Sir Bane at Ma'am Cass. Sina Ma'am Sia at Sir Ice. Kung nakikita niyo po,magkambal sila at hawig na hawig nila ang isa't isa. Pero nagtataka ako kung bakit hindi kamukha ni Sir Bane ang mga bata ganun din si Ma'am Cass."

Talagang hindi niya kamukha dahil hindi naman siya ang totoong Ama. Nandito na sa harap mo ang Ama nila!

"Naku ang dalawang batang 'yan! Ubod ng lamig kung tumingin! Palagi pang nagkukulong sa kaniya-kaniya nilang kwarto upang magbasa. Pero alam niyo po,sobrang talino ng nga iyan! Dinaig pa grade 6 student. Maitututing na pinagpala sila ng Diyos. Pero hindi sila pinapalabas ni Ma'am Cass sa hindi ko malamang dahilan. Nalulungkot ako sa mga bata. Alam ko namang may rason kung bakit ginagawa iyon ni Ma'am."

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon