Mia's POV:
Nasa reception na kami. Bale, ito na ang magiging handaan ng mga anak ko dahil sa graduation nila lalo na't mga Valedictorian. Mapapabalita na naman 'to sigurado sa TV.
"Enjoy the party." Kanina pa ganiyan sinasabi ko. Nakakasawa na rin at medyo nabubulol na ang dila ko. Pagod na ring akong umikot-ikot kaya napaupo ako sa isa mga table dito.
Nasa garden kami ng mansyon ng bahay. Dito ginanap ang party at maraming bisita ang dumating. Mga mayauamang tao tulad nila.
"Mommy, pasok ka muna daw sa loob sabi ni Daddy." Napatingin ako sa anak kong si Sia. Nakapalit na siya ng ibang damit.
"Pakisabi anak na mamaya---"
"Excuse me Iha. Are you the one who has a party?" Tanong ng isang Ginang sa anak ko.
"Yes Ma'am."
"Don't call me Ma'am instead call me Tita." Sagot nito. "May I talk to her Miss if you could excuse us?"
"Sure Ma'am." Agad na sagot ko.
Naiwan na naman akong mag-isa. Nang mapadaan ang isang waiter, nagpakuha agad ako ng tubig. Nauuhaw na ako dahil sa pagod.
"Mom, take a rest." Si Ice naman ang sumunod. Tumayo ako para mag-accommodate ng mga bisita na parating.
"Mamaya na anak. Marami pang mga bisita." Sagot ko.
"But you are already tired. It's not healthy for the baby." Katwiran niya na nagpangiti sa akin.
"Kaya ko ang sarili ko anak. Punta ka daw sa Lola mo. May papakilala yatang mga bisita sayo."
Nakita ko kasing kumakaway sa akin si Mama at tinuturo si Ice. Walang nagawa ang bata kundi maglakad papunta sa kaniyang Lola.
Sakto namang dumating na ang tubig ko. Nagpasalamat ako sa waiter.
"Everyone, I would like all of you to meet my precious garndchildrens. Ice, Sia and Ryle!" Sigaw ni Mama mula sa stage. May dala itong mike para marinig ng iba. Nagpalakpakan silang lahat.
Naglakad papunta sa munting stage ang tatlo. Nakapoker face na naman ang dalawa habang ngumingiti ng pilit si Ryle. Ang mga anak ko talaga!
Nakipalakpak na rin ako. Busy rin si Bryle na mag-asikaso sa mga bisita. Hindi namin inaasahan na maraming dadalo. Sabagay, marami namang inimbitahan si Mama 'e!
"Enjoy the party everyone." Walang kagana-ganang sabi ni Ice at ipinasa kay Sia ang mike. Dali-sali itong bumaba mula sa stage at naglakad papunta sa akin.
"Same." Mas maikling sabi ni Sia. Napailing-iling na lang ako pati na rin si Mama. Bumaba na rin siya ng stage at si Ryle na lang ang naiwan doon.
"Cheers!" Natatawang saad nito at kunwaring may baso sa kamay at itinaas sa ere. Napatawa ang mga bisita sa tinuran niya. Pati ako ay natawa sa kalokohan ng anak ko.
"Mom. Pumasok ka na sa loob." Saad ni Ice nang makalapit ito sa akin.
"Teka lang muna anak."
"Don't be a hard-headed Mommy. 'Wag kang gumaya kay Ryle." Si Sia. Natawa akong muli.
"Ate!" Sabat ni Ryle na nakanguso. Natawa kaming tatlo sa bunso namin.
"What does my family laugh at?" Sabat ni Bryle na nasa harap na pala namin. Nakakunot ang noo nito na yumakap sa bewang ko. Nahiya naman ako dahil maraming bisita ang makakita.
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
RomanceNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2