Chapter 90

19.8K 337 26
                                    

Mia's POV:

Hindi... Hindi maaari...

Yan lamang ang tanging laman ng aking isipan pagkatapos nilang kumpirmahin na nasa akin nga ang alahas nang hindi ko alam.

Nakita kong sa paanan ng aparador niya ito nakuha. Nagpagpag muna siya ng kamay bago tumayo at ipinakita sa amin ang alahas na kulay ginto. Maganda naman ito at may bato sa pendant ng alahas. Kwintas pala ito. Pero hindi ito ang tamang oras para pagmasdan ang alahas nila dahil naiipit ako sa sitwasyon ko ngayon.

"H-hindi 'yan totoo! Bakit ko naman nanakawin 'yan?!" Agad kong depensa sa aking sarili. Nanginginig na rin ang aking labi pati na rin ang mga kamay ko sa sobrang kaba na aking nadarama. Nagsisimula na ring maghysterical ang utak ko kasama na rin ang katawan ko. Hindi na ako mapakali.

Unti-unting lumapit sa akin si Maria at ipinakita sa mismong mukha ko anfg alahas. Sa unang tingin, mukha ngang lilibohin ang presyo nito pero saan nila ito nakuha? Base sa uri ng buhay nila, paano sila makakakuha ng ganitong alahas?

"MAGSISINUNGALING KAPA?! 'E ETO NA NGA ANG EBIDENSYA 'O NA NINAKAW MO'TO!" Sigaw niya sa akin. Wala naman akong naisagot hanggang sa lumapit sa akin si Alin Celia at walang anu-ano'y sinampal ako sa pisngi. Nagulat ako pati na rin ang iba dahil sa ginawa nito sa akin.

"WALA KANG UTANG NA LOOB! PAGKATAPOS KITANG PATULUYIN SA BAHAY NAMIN AT PAKAININ, 'YAN LANG ANG IGAGANTI MO SA AMIN?! ANONG KLASE KANG TAO?! SA PAGKAKAALAM KO NAMAN AY HINDI KA MAGNANAKAW TSAKA ANG DAMI MO NGANG PERA SA MALETA MO! BAKA NINAKAW MO RIN YANG MGA PERA MO NO'H?!" Ang dating maamong tupa na si Aling Celia ay napalitan ng galit na galit na leon.

Hindi ko na siya makilala sa sobrang galit niya sa akin. Sana naman ay maniwala ito sa akin na hindi ko magagawa ang bagay na iyon. Napahagulhol na rin ako sa mismong harap nila pero parang wala silang pakealam kahit na mamatay pa ako.

"M-maniwala ho kayo sa a-akin. H-hindi ko po kinuha iyan." Pagsusumamo ko sa kaniya pero hindi niya ako pinakinggan. Lumuhod na rin ako sa harapan niya para malaman niyang nagsasabi ako ng totoo pero walang epekto ito sa kaniya. Tinitigan niya lamang ako sa mata na parang isang nakakadiring tao.

Tinignan ko rin ang iba pa naming kasama dito sa bahay. Si Edward ay may mapanghusga na ring tingin at may namumuong galit sa kalooban. Si Mang Lito na mas lalong nagalit nang malaman niyang ako ang kumuha ng alahas. Nakakuyom rin ang mga kamao na ito at anumang oras ay susuntukin ako.

Si Maria na wala nang ngisi sa kaniyang labi at nakatingin lamang sa akin ng walang ekspresyon. Napatingin rin ako sa labas ng bintana at nakita kong maraming tao ang naga-abang ng chismis. May mapanghusga rin silang tingin sa akin at yung iba ay may naghihinayang na mukha. Mas lalo pang bumuhos ang luha ko at napahikbi.

Alam ng Diyos na hindi ko magagawa iyon at mas lalong hindi ko gagawin sa hinaharap. Ang tanong, "sino ang may gawa kung ganun?" Sigurado akong isa kina Maria, Aling Celia, Edward o Mang Lito ang may gawa nito. Pwede ring isa sa mga kapit-bahay namin. Mahirap mambintang lalo na't hindi ko alam ang takbo ng isip ng mga taga-rito.

"E BAKIT NASA KWARTO MO ITO KUNG GANOON?!" Pabulyaw na tanong sa akin ni Mang Lito. Napatingin naman ako sa kaniya at umiling-iling.

"H-h-hindi ko po alam."

"ANG LAKAS NG LOOB MONG MAGKAILA PERO WALA KA NAMANG MASABI NA EBIDENSYA NA HINDI NGA IKAW ANG NAGNAKAW NITO! ALAM MO BANG NAGKAKAHALAGA ITO NG MILYONES?! PARA SA KAALAMAN MO, HINDI SA AMIN ANG ALAHAS NA ITO DAHIL NAIWAN ITO SA AKIN NG AMO KO! AKO ANG MAGKAKASALA KAPAG NAWALA ITO KAYA HUMANDA KA! ANG TAONG MGA KAGAYA MO AY HINDI NARARAPAT SA LUGAR NA ITO KAYA LAYAS!"

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon