Mia's POV:
"Bryle! Pakibuhat naman 'yung mga gamit ko 'o!" Nasa kusina si Bryle at hindi ko alam kung narinig niya ang sigaw ko, nakabukas naman ang pinto ng kwarto ko. Dito na siya sa mansyon natulog. Nag-aalmusal siya kasama sina Mama at Dad.
Sobrang natuwa nga si Mama tsaka si Dad nang ibalita namin kanina na nagkaayos na rin kami sa wakas ni Bryle. Matagal na nilang inaasam iyon pero ngayon lang natupad.
Pagkatapos kong kumain kanina, tinanong ko agad kay Bryle kung asan ang kontrata para mapirmahan ko na. Aware na aware naman sila Mama doon kaya walang problema sa kanila. Mas nauna pa nga nilang malaman kaysa sa akin.
Sinabi naman niyang sa kwarto niya kaya agad akong nagpunta doon. Nakita ko naman agad 'yun dahil nasa bedside table. Nang matapos ako doon, nag-impake ako ng damit.
"Hindi mo na kailangang sumigaw dahil papaakyat na ako kanina." Si Bryle habang papasok sa kwarto.
"Malay ko bang tapos ka na palang kumain?" Nakaready na lahat ng mga gamit ko. Gusto ko kasing siya mismo ang magbuhat ng maleta ko. Hindi ko pa kasi nararanasan na maging gentleman si Bryle sa akin. Tawagin niyo na akong ilusyunada.
"Dala na rin siguro ng pagkaexcite ko kaya nawalan ako ng gana." Nagkibit-balikat pa siya. Napailing na lang ako.
"Daming sinabi!" Agad kong itinuro sa kaniya ang mga gamit ko na bubuhatin niya. Tumango siya. Isang backpack na malaki at isang maleta lang naman.
~~~
"Welcome home Ma'am Mia!" Pagkabukas pa lang ng pinto dito sa bahay ni Bryle, sila Manang, Brenda at Melon ang bumungad sa akin. Nagulat ako at napahawak pa sa dibdib. Natawa tuloy sila pati na rin si Bryle.
"Buhay pa pala kayo?!" Mas lalo silang natawa sa tanong ko.
"Si Ma'am naman gusto agad na mamatay kami." Natatawang sabi ni Brenda.
"Oo nga! Guardian angel mo kaya kami Ma'am!" Si Melon. Kukunin na sana niya ang gamit kong bitbit ji Bryle pero umayaw ito. Siya na raw ang bahala.
"Iha, kamusta na?" Si Manang.
"Naku! Namiss ko kayo!" Agad akong lumapit sa kanila at inisa-isang binigyan ng mahigpit na yakap. Nakakatouch sila! Namumuo na ang mga luha ko pero nanatili pa ring nakangiti ng malaki. "Kala ko kasi noon, hindi kayo makakaligtas. Malala kasi ang lagay ninyo noon. Pero ang mahalaga, pare-parehas tayong buhay!" Natatawang pahayag ko.
"Pero Ma'am, maayos niyo po bang naipanganak ang kambal niyong anak ni Sir?" Seryosong tanong ni Brenda na nagpawala sa ngiti ko. Pati sina Manang ay nagseryoso rin. Napatingin ako kay Bryle.
"My kids are safe." Maikling sabi ni Bryle at tuluy-tuloy na naglakad papuntang itaas dala ang gamit ko. Ngumiti naman sila agad pagkarinig ng sagot ni Bryle.
"E nasan na sila Ma'am?" Si Melon.
"Nasa malayo 'e! Nagbakasyon kasi sila." Mas pinili kong 'wag na lang sabihin sa kanila ang kontrata namin ni Bryle. Tsaka ayaw kong mabad vibes sila. Makikita rin naman nila ang kambal pero medyo matagal ang isang taon.
"Sayang naman Iha. Matagal na naming gustong makita sila. Tiyak na kasing buti nila ang kanilang Ina." Madamdaming sabi ni Manang.
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
Любовные романыNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2