Flashback:
"Kumare! Kamusta kayo ng inaanak ko?" Tanong ni Teejay sa mag-asawang Quintos habang karga-karga ni Pia ang dalawang-taong gulang na si Mia habang mahimbing ang tulog.
Pagkapulot nila kay Mia noon sa tabing-ilog, agad-agad silang naglakbay papuntang Maynila para magbagong-buhay. Nais rin nilang bigyan ng magandang buhay si Mia at para na rin walang makaalam na hindi nila totoong anak ito.
"Okay lang naman. Nag-eenjoy akong alagaan si Mia dahil ang bibo-bibo. Manang-mana sa Ama." Natatawang sagot ni Pia. Habang si Sandro ay pangiti-ngiti lang na nakatingin sa kaniyang mag-ina.
Nagbakasyon sila sa probinsya para maipamasyal si Mia. Balak rin nilang dito muna manirahan at pag-aralin si Mia para mapalagay ang loob nito sa kaniyang Lola.
Taga-Maynila si Teejay at mag-isang nagbakasyon rito. May kaibigan siyang taga-rito at doon nakikituloy. Nasa Maynila ang kaniyang asawa at anak na lalaki. Nag-away na naman ulit dito dahil sa bisyo ni Teejay sa pagmamajong at paglalasing.
"Mukhang maayos niyo siyang napalaki ah? Sana ganiyan rin si Tee, yung anak ko." Napakunot ang noo ng mag-asawa. Wala namang problema kay Tee ah?
~~~
Dating magkasintahan sina Pia at Teejay pero nabaon na ito sa limot dahil may kaniya-kaniya na silang pamilya. Napag-usapan rin nilang 'wag nang ungkatin pa ito at manatiling magkaibigan na lamang. Pero hindi iyon ang nais ni Teejay.
May pagtingin pa rin siya kay Pia. Magkababata sila at magkapit-bahay rin sa Maynila kaya may nabuong pag-iibigan sa kanila noon.
Nakabuntis si Teejay. Naawa si Pia sa babaeng nabuntis ni Teejay kaya siya nakipaghiwalay. Si Lian ang naging bunga. Nagpakasal sila pero hindi pa rin mapalagay si Teejay at palaging si Pia ang iniisip.
Mas lalo itong nalulong sa bisyo at wala nang maipakain sa mag-ina niya. Palaging sinasaktan ang asawa. Dahil dito, nakipaghiwalay sa kaniya ang asawa at kinuha ang anak nila na kakapanganak pa lamang.
Nakahanap ng ibang lalake ang nanay ni Lian. Sa tulong ng mayamang karelasyon niya, tuluyan nang napawalang-bisa ang kasal nila. Kinasal sila at nagkasupling at si Ivan ang naging bunga. Isang taon lamang ang agwat nito kay Lian.
Masaya silang namuhay hanggang sa maipanganak si Ivy. Naging mainggitin si Lian sa kaniya. Ilang buwan pa lamang ng maipanganak siya, hiniling ni Lian na magbakasyon sila sa probinsya at tanging Yaya lang nila ang kasama nila.
Walang komunikasyon dahil nais niyang masolo ang kapatid at sanayin ang sarili na may kapatid na siyang babae na kahati niya sa atensyon ng kaniyang mga magulang.
Kahit na nag-aalangan, pumayag ang mag-asawang Gaseñio. Nagpumilit na sumama si Ivan pero nagalit si Lian kaya wala siyang nagawa.
Nang nasa probinsya na sila, walang ginawa si Lian kundi mamasyal mag-isa. Laging naiiwan ang Yaya niya at kapatid sa inupahan nilang bahay.
Nakapagpasya na siyang tanggapin na ang kapatid at isantabi na ang pagiging mainggitin niya dito. Gusto niya ring siya ang mag-alaga sa kapatid.
Pauwi na si Lian, mga alas-singko ng madaling araw, malapit na siya sa kanilang bahay ng may narinig siyang ingay mula sa loob. Iyak pala iyon ni Ivy.
Dali-dali siyang pumasok at nadatnang magulo ang kanilang gamit. Nag-iimpake ng gamit ang kanilang Yaya at ang ikinataka niya, kinukuha nito ang dala nilang pera.
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
RomansaNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2