Mia's POV:
Malalim ang iniisip ko kaya hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng bahay namin. Nakapatay ang ilaw sa second floor na tanda na hindi nagising si Bryle. Nakahinga ako ng maluwag.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan ang sinabi niya. Sino kina Bryle at Bane ang nagsisinungaling kung ganoon? O dika'y, ibang tao ahg tinutukoy niya?
Maraming tanong ang nasa utak ko. Hindi ko masagot-sagot dahil nanatili itong misteryo. Sumasakit na ang ulo ko kaya dali-dali akong napahiga sa kama ng kwarto ko.
Hindi pa rin kami nagtatabi sa pagtulog ni Bryle.
Sobrang akward iyon para sa akin. Nasanay akong hindi ko siya katabi sa kama. Siya rin naman ang sumanay sa akin ah? Tsaka hindi na naman kami bati.
Nasa second floor na ako ng bahay. Nadaan ko ang kwarto ni Bryle. Itinapat ko ang tainga ko sa pinto para siguraduhin na tulog nga siya. Wala akong naririnig sa loob kaya nakampante ako.
Ibig sabihin, hindi siya nagising.
Ngayon, makakatulog na ako ng mahimning. Talagang inaantok na ako. Si Bane naman kasi! Kung sana alam ko lang ang 'yun ang sasabihin niya, hindi ko na sana siya sinipot.
~~~
"May kailangan po ba kayo Ma'am? Ihahatid ko na lang po sa kwarto niyo kung meron." Si Brenda.
Kakababa ko lang at nasa kusina kami ngayon. Nauuhaw ako at tinanghali ng gising. Napasarap ang tulog ko kaninang madaling-araw dahil umulan. Nilamig nga ako sa kwarto dahil naka-on pa ang aircon.
Tinatamad naman akong bumangon para i-off kaya nagtiis ako sa malamig na temperatura.
"Pakiabot nga ng maligamgam na tubig."
Iinom na lang siguro ako ng gatas. Hindi ako nagsusuka sa umaga. Nahihilo lang ang nararamdaman ko. Naninibago na naman ang katawan ko sa ganitong karanasan.
Matagal-tagal na ring hindi ako nagbuntis.
"Magkakape ho kayo?" Gulat na tanong ni Brenda at inilayo mula sa akin ang 3-in-1 na kape. Napailing ako. Bawal sa mga buntis ang kape 'diba?
"Hindi. Maggagatas ako."
Tumango-tango siya at napangiti ng mapagpaumanhin. Nakaupo ako sa stool ng center table. Inilapag niya ang tasang may laman na maligamgam na tubig. Siya na mismo ang nagtimpla sa gatas ko.
"Salamat."
"Wala na po ba kayong kailangan Ma'am?"
"Wala na. Nasaan nga pala sila Manang?"
"Nasa bahay nila Madame." Nangunot ang noo ko.
"Bakit siya andun?"
"May pinag-utos po si Madame sa kaniya. Siguro magpapasama na naman pong magshopping."
Nawala sa alaala ko na mahilig pa lang magshopping si Mama. Minsan pa nga, ako noon ang isinasama niya tsaka bibilhan na rin ako ng bagong damit. Paikot-ikot sa Mall at kakain sa pinakamahal na restaurant.
"Sayang nga po. Ikaw pa raw sana ang isasama niya pero maselan naman daw po ang pagbubuntis niyo." Tumango ako. Wala naman kaso sa akin kung hindi ako maisama ni Mama 'e.
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
RomanceNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2