Mia's POV:
Naalimpungatan ako dahil may naririnig kong nag-uusap. Sa una ay hindi ko maintindihan ang sinasabi nila dahil medyo nag-a-adjust pa ang pandinig ko at mga mata ko sa paligid.
Nang madisgest ng isip ko ang nangyari,nakadama ako ng takot para sa mga anak ko at para na rin sa sarili ko. Nasa isang lumang bodega ako at nakatali ang mga kamay sa isang upuan. Nakita ko naman ang dalawang lalake na nag-uusap na 'di kalayuan kung nasaan ako ngayon.
"Pre! Iba yung nakidnap natin!" Mababakas sa boses niya ang pangamba. Anong ibig niyang sabihin na iba? Napagkamalan niya ba kami?
"Hah? Paanong iba eh ang sabi ni Boss,babae na nasa malapit sa park na yun! Eh siya lang naman ang nakita nating babae nung gabing yun!"
So nagkamali sila ng nakuha ganun? Ibig sabihin,hindi dapat kami ang makikidnap kundi ibang tao? Eh gago pala 'tong mga 'to eh! Kung sana hindi kami nakidnapp eh di sana nakauwi na kami ngayon!
"Ikaw kasi eh!"
Nagsimula na silang magsisihan sa nangyari. Paano na ngayon ito? Makakabalik pa ba kami o papatayin nila kami dito? Alam naman siguro nila na kung matakas kami dito,tiyak na magsusumbong kami sa pulis. Ipagdadasal ko sila na sana maging mangmang sila ngayon.
"Anong ako? Ikaw kaya ang nagsabi na siya yung kukunin natin! Hindi man lang natin natanong kay Boss kung may kasama siyang mga bata! Kasalanan mo 'to!"
Parang binuhusan ako ng nagyeyelong tubig sa narinig ko. Ngayon lang nagregister sa utak ko ang mga anak ko. Inilibot ko naman ang aking paningin dito at wala akong nahanap na mga bata. Nasaan ang mga anak ko?! Nagsimula na akong magpanic hanggang sa napatingin sa akin ang dalawa.
"Gising na pala ito eh! Sinong hinahanap mo?" Tanong ng isang may balbas sa akin. Wala na itong buhok sa ulo dahil kalbo na siya. Malapit na siyang maging itlog kung sana pinatanggal na rin niya ang kaniyang balbas!
"Ah! Baka nagtataka siya kung asan siya ngayon!" Ika naman ng isa na malapit ng mawala lahat ng mga ngipin niya. At, ang baho pa ng hininga niya! Porket ba mawawala na ang ngipin niya at titigil na siya sa pagto-toothbrush?!
"Siguro nga. Gusto mo bang sabihin ko sayo kung asan--" Naputol ang sasabihin nung kalbo dahil may tumatawag sa kaniya. Nakita ko naman na namutla siya at ipinakita ang keypad niyang cellphone kay Badbreath.
Awtomatiko naman na namutla din ang isa. Nagpasahan pa sila kung sino ang sasagot ng tawag. Mga animal! Pakawalan niyo na ako dito kasama ng mga anak ko! Kung sana walang tape ang bibig ko eh nagsisigaw na ako dito!
"Ikaw ang sumagot!" Sabi ni Kalbo at ipinasa ang cellphone kay Badbreath. Muntik namang mahulog nito ang cellphone at natatarantang ibinalik kay Kalbo.
"Hah! Eh ba't hindi ikaw?"
"'Yo'ko nga! Baka ako pa ang mapagalitan!"
"Hindi yan kaya sagutin mo na!"
Sisigaw na sana ako dito kaya nga lang ay natigil ang pagtunog ng cellphone ni Kalbo. Mukhang namatay na ang tawag dahil sa tagal nilang sagutin ito. Napakamot na lang sa batok si Kalbo habang si Badbreath naman ay ipinasok ang isang daliri sa bibig nito. Sumakit yata ang ngipin niya! Eww hah!
"Ba't kasi hindi mo sinagot?! Lagot tayo nito!" Paninisi ni Kalbo sa isa. Nanggigigil ako sa dalawang 'to dahil kanina pa ako nakatingin ng masama sa kanila pero mukhang manhid yata!
"Tumahimik ka nga! Masakit ang ngipin ko at ako pa sinisi mo! Eh bakit hindi ikaw ang sumagot tutal ay silpon mo naman yan!" Ano daw? Silpon? Napailing-iling na lang ako sa katangahan nila.
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
RomanceNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2