Chapter 102

17.7K 359 72
                                    

Mia's POV:

"Grabe naman kayo magbiro 'La!" Natatawang saad ko at hinampas-hampas ng mahina si Lola sa kaniyang braso. Pwero nanatili silang seryoso. Napatigil ako sa pagtawa.

"Ano bang gusto niyong palabasin Lola at Tiya? Hindi na 'yan nakakatawa 'ha?" Pinangaralan ko pa sila. May konting sama ng loob dahil sa klase ng biro nila.

Patay na nga ang mga magulang ko, magbibiro pa sila ng ganiyan?

"Makinig ka muna sa amin Iha." Si Lola. Lumapit ito sa akin at tumingkayad para maabot ang buhok ko. Mas matangkad ako kay Lola kaya kinakilangan pa niyang tumingkayad para abutin ang buhok ko. Ginulo niya ito tulad noong bata ako.

"Wag kang magagalit sa amin Mia. Ginawa naming maglihim dahil mahal na mahal ka namin." Si Tiya.

"Ano po bang gusto niyong palabasin?" Nagtataka kong tanong. Nagkatingin silang dalawa at tumango sa isa't isa. Pumeke ng ubo si Lola at tinignan ako ng deretso sa aking mata. Walang kurap akong tumingin sa kaniya pabalik.

Kinakabahan ako.

"Tama ang pagkakarinig mo kanina Iha."

Literal na bumagsak sa akin ang mundo. Napatigil ang pagtibok ng puso ko at hindi makapagsalita. Hindi ko man lang nagawang magprotesta.

Bumagsak ang balikat ko at nangilid ang luha ko. May parte sa puso ko na nagsasabing hindi totoo iyon. Hindi ko mahagilap ang tamang tanong na ibabato ko sa kanila.

"P-paano po nangyari iyon?" Lakas-loob kong tanong sa kanila. Mabigat ang dibdib ko.

"Ampon ka lang Mia. Napulot ka lang ng mga magulang mo sa ilog." Si Tiya. Mas lalong bumigat ang dibdib ko. Medyo kinakapos na ako ng hininga dahil umaayaw na ang isip kong lumanghap ng hangin.

Sa tinagal-tagal kong nabubuhay sa mundong ito, ngayon ko lang nalaman na ampon pala ako. Na hindi ako kaano-ano ng mga kinilalang mga magulang ko. Na hindi sila ang totoo kong pamilya.

Nakakagulat!

"B-bakit ngayon niyo 'ho lang sinabi?" Pinipigilan kong mapasigaw. Ayokong malaman nila Bryle ang totoong pagkatao ko pansamantala. Sasabihin ko rin naman sa kanila pero hindi pa ngayon.

Hindi pa ako handang tanggapin ang lahat-lahat!

"Akala namin, ulila ka na noon kaya kinupkop ka ng mga magulang mo. Kamakailan lang namin nalaman na pinaghahanap ka na pala matagal na ang totoo mong mga magulang." Si Lola ang sumagot.

Napaupo ako sa sahig. Nanginginig ang mga tuhod ko pati na rin ang mga kamay ko. Tumulo ang luha ko at tuluyang napahikbi. Hindi maabsorb ng isip ko ang katotohanan.

Ang mapait na katotohanan.

Dali-dali silang inalalayan ako. Tinapik-tapik ni Lola ang likod ko. Pilit namang ipinaiintindi ni Tiya ang lahat.

"Hindi pa 'ho ako handang makita sila." Tanging nasabi ko makalipas na pakalmahin ang sarili. Isang desisyon ang namuo sa isip ko at ito na nga. Desisyong pagsisisihan ko sa huli o ikakabuti ko.

"Hindi ka nila minamadali Iha pero sana gusto nilang makausap ka. Alam mo naman ang nararamdam ng isang Ina kapag nawalay sa kaniyang anak?"

Napaisip ako ng malalim. Pinunasan ko ang pisngi kong basa dahil sa luha ko at tumingin kay Lola. Patuloy sila sa pagcomfort sa akin.

"Ayaw ko munang makita o makausap man lang sila Lola. Kailangan ko pa po ng kaunting panahon. Maiintindihan naman nila ako 'diba?"

Naniniwala akong darating ang tamang panahon para makilala ko sila pero hindi na muna ngayon. Kailangan ko munang intindihan ang mga personal kong problema kaysa sa kanila.

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon