Mia's POV:
Nasa puting silid na naman ako. Amoy na amoy ko ang mga gamot sa paligid. Maliwanag at sobrang tahimik.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nasilaw ako sa liwanag. Inadjust ko muna ang mga mata at medyo hindi malinaw ang nakikita ko.
Wala akong nadatnan na isa sa kanila na nagbabantay sa akin. Ako lang mag-isa sa silid na 'to. Kaya pala sobrang tahimik dahil mag-isa lang ako. May nakakabit na oxygen mask sa akin.
Maayos na ang paghinga ko kaya bakit hindi pa tinatanggal ito? Pinabayaan ko na lang at napatingin sa paligid.
Punung-puno ng bulaklak at mga prutas sa mesa. Medyo malayo ito sa kinaroroonan ko. Ngayon ko lang napansin na malawak na silid ang kinaroroonan ko. Mukhang VIP suite na naman ang kinuha nila para sa akin.
May nakita rin akong isang backpack na alam kong mga damit ko 'yun. Sinubukan kong iangat ang aking sarili mula sa pagkakahiga pero hindi ko kinaya. Hinang-hina ang katawan ko at hindi ko alam kung kaayanin kong tumayo.
Ilang beses kong sinubukan ulit pero wala talaga. Nasa ganoon akong sitwasyon ng madatnan ako ni Mama. Dali-dali siyang lumapit sa akin at ininspeksyon ang itsura ko.
"Don't force your body Iha. Hindi ka pwedeng magsisikilos." Sabi niya. Naghila siya ng upuan at umupo sa tabi ko. Humawak pa siya sa aking kaliwang kamay.
"Ma." Tanging nasambit ko sa labis na panghihina.
Ano bang nangyayari sa akin?
"Yes Iha. I'm here beside you."
"Ma." Ulit ko.
"What do you want to eat? Apple? Grapes? Mango?" Nag-aalalang tanong niya. Napailing ako ng dahan-dahan.
"Okay lang po ba si Baby Ma?" Kinakabahan kong tanong. 'Yan ang palaging tinatanong ng isip ko. Hindi ako mapalagay dahil alam kong naapektuhan ang anak ko.
Matagal na hindi siya nakasagot. Napakunot ako ng noo at hinintay ang sagot niya pero wala. Blanko itong nakatingin sa akin kaya naluluha na ako. Hindi ba?
Hindi ba nakaligtas ang anak ko?
"Shh! Mali ka ng iniisip Mia." Pabagsak na sana ang luha ko ng magsalita si Mama. Napatigil ako at tinignan siya ng may pag-asa. Bumuntong-hininga siya ng malalim.
"Sabihin niyo sakin Ma."
"Your baby is fine. Buti na lang at nadala ka ni Bryle agad dito sa ospital dahil talagang malala ang sitwasyon mo."
Napahinga ako ng malalim. Parang nabunutan ako ng tinik dahil sa sinabi niya. Nagrelax ang mga muscle ko sa katawan. Ipinahinga ko ang aking sarili pansamantala. Ipinikit ko ang aking mga mata.
"Stress is the main reason kung bakit ka dinugo. Dahil na rin siguro sa nagkapatong-patong mong problema plus the fact na nalaman mo pa na ampon ka pala."
Napamulagat ako sa narinig. Naalala kong nakita at nakilala ko na pala ang totoo kong mga magulang. Ngayon ko lang naisip ang bagay na 'to. Dahil siguro sa pag-aalala ko sa anak ko, nawaglit sa isipan ko ang biological parents ko.
"Nasaan nga pala sila Ma?" Tanong ko.
"Pinapaayos yata nila ang mga papeles mo para maging ganap ka nang Gaseñio. They were excited na ilakad ang mga iyon." Nakangiting sagot ni Mama. Napangiti ako ng maliit.
Masaya rin naman ako dahil nakilala ko na ang mga magulang ko pero hindi ko maiwasan ang mahiya sa kanila. Sobrang akward kasi at hindi pa ako sanay na makita at makasama sila.
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
Lãng mạnNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2