Chapter 87

20.3K 352 40
                                    

Mia's POV:

"Angkel i'salikkom to ditoy nga kalsada." Sabi ko. Itinuro ko ang daan na pakaliwa kung saan nariyon ang lugar namin. Buti at alam ko pa ang daan papunta sa amin.

Wala naman masyadong nagbago papunta sa lugar namin. Semento na rin ang kalsada at medyo marami-rami na rin mga bahay ang naipatayo. Nadagdagan na rin ng street lights sa tabi ng kalsada na nagsisilbing ilaw kapag sasapit ang gabi.

"Naggapwam aya nakkong?" Tanong nito sa akin. Ang ibig sabihin nito, kung saang lugar ba ako nanggaling. Marahil nagtataka ito kung bakit hindi ko na alam kung anong pangalan ng lugar namin.

"Naggapo nak Manila Angkel. Napan nak nagbasa dijay ngem nagsardeng nak met lang ta nakaasawa nak dijay. Lima nga tawen nak gamin nga han nga nagawid ditoyen Angkel."

Ikinuwento ko sa kaniya kung bakit hindi ako nakauwi 5 years ago. Na nahinto ako sa pag-aaral dahil sa nagkaroon ako ng asawa. Hindi ko na binanggit sa kaniya ang dahilan kung bakit ako nag-asawa agad.

Hindi naman kami super close tsaka private na dapat ang mga ganung pangyayari. Nakita ko naman siyang napailing-iling na parang nadissapoint sa nalaman. Nakakadissapoint naman talaga.

Sino bang matinong dalaga ang mahihinto sa pag-aaral nang dahil lang sa pag-aasawa?

"Sayang jay panagadal mo Nakkong." Pagkatapos niyang sabihin ang linyang 'yan, sakto namang nasa tapat na kami ng bahay namin. Lumagpas pa nga ng ilang metro pero ayos lang.

"Angkel idtoyen!" Malakas kong sabi na ipinahihiwatig kong narito na kami sa bahay namin. Ang lupa dito ay hindi patag. Kailangan mo pang umakyat bago mo marating ang mismong bahay mo. Hindi naman masyadong mataas ang lalakarin mo kaya okay lang.

"Gurka ta tulungan ka nga mangibaba eta gamit mo." Sabi nito. Tutulungan daw niya akong ibaba ang maleta ko na nasa likod ng tricycle. Parang kotse na rin pero wala nga lang itong takip. Gawa ito sa metal at kailangan mo ng lubid para hindi ito mahulog.

Tumingin naman ako sa bahay namin habang hinihintay kong makalag ni Angkel ang tali. Napapatingin na rin sa akin ang mga kapitbahay namin na nakakunot ang mga noo.

Baka hindi na nila ako nakikilala.

"Angkel mano gayam ti bayadak?" Tanong ko. Tinatanong ko sa kaniya kung ilan ang babayaran kong pamasahe. Medyo malayo rin naman ang naging biyahe kaya baka mahal ang pamasahe.

"Ikkan nak latta ti duwa-gasot'en Nakkong." Sabi nito, 200 pesos na lang daw ang pamasahe ko. Okay na yan dahil rinentahan ko naman 'tong tricycle na ito. Baka nga naawa pa sa akin kaya minurahan ang presyo ng pamasahe.

Nang maibaba nito ang mga gamit ko, nagpasalamat muna ako bago siya umalis. Muli akong tumingin sa bahay namin na gawa sa semento. Wala itong pintura at sa tingin ko, narenovate ito.

Kumunot ang noo ko dahil sa naisip ko.

Naglakad ako palapit sa bahay namin at tinignan ang gate. Sarado ito at nakalock pa yata. Sa pagkakaalam ko, gising na sila sa oras na ito kaya naman kampante akong pagbubuksan nila ako ng pinto.

"LOLA! TITA!" Sigaw ko mula sa labas ng gate. Kinatok-katok ko rin ang gate namin para malaman nila na may tao sa labas. Wala kasi kaming doorbell kaya kamay ko ang pinangkakatok ko.

Wala akong narinig na tugon mula sa loob kaya mas lalo kong kinalampag ang gate namin. Linakasan ko rin ang boses ko para mas marinig nila. Malay mo nanonood sila ng TV. Paulit-ulit akong sumigaw pero wala pa rin.

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon