Mia's POV:
"Kain ka pa." Si Hera.
"Nagdidiet ka ba?" Si Eunice.
"Masama sa buntis 'yun!" Si Grace.
"Sinabi kasing hindi ako buntis." Sagot ko at kumuha ng mansanas na kakabalat pa lang nila. Kumuha ako ng isang piraso na nahiwa na at sinubo ng buo.
Feel kong kumain ngayon.
Nandito pa rin kami sa ospital at hinihintay ang resulta ng ginawa nilang test sa akin. Dahil nga nawalan ako ng malay, agad daw nila akong dineretso sa ospital.
Nauna na nga akong nagising kaysa doon. Sobrang tagal! Siguro mga 1 oras at 30 minuto akong natulog. Agad na napasugod ang barkada pati na rin si Lola. Hindi pa nga pala sila umuuwi sa Probinsya.
Uuwi na sana dapat sila kanina pero heto nga, sa hindi inaasahang pangyayari, may nangyaring masama sa akin kaya hindi natuloy. Ilang araw pa raw silang mananatili dito sa Maynila para siguraduhin ang kaligtasan ko.
"Symptoms of Pregnancy." Maikling sabat ni Hagen na nagpatingin sa aming lahat sa kaniya. Bigla-bigla na lamang itong nagsalita kaya sino ang hindi mabibigla?
Napahawak ako sa ulo dahil sumakit ulit. Napapansin kong madalas na sumakit ang ulo ko sa buong linggo. Hindi naman ako nagsusuka kaya kampante akong hindi buntis. Pero nababahala pa rin ako.
Mas mahirap iwanan at kalimutan si Bryle kapag may dumating pa na isang anghel.
Sasabat na sana ko ng bumukas ang pinto. Tuluy-tuloy na pumasok si Bryle at sa likod nito ang mga doctor na siyang sumuri sa akin kanina. May isa pang nurse ang nasa likod nila.
"How is she?" Agad na tanong ni Bryle. Natahimik kaming lahat at pinakinggang mabuti ang sasabihin ng doctor. Kinakabahan ako. Hindi malabong mangyari na may mabuo ulit kami ni Bryle.
"Congratulations Mr. and Mrs. Aberla." Nakangiti ang doctor at nurse nang sinabi niya ang katagang iyan. Awtomatikong napangiti rin ang iba. Kahit na hindi pa kinukumpirma ng doctor ang iniisip nila, parang siguradong-sigurado na silang tama ang hula nila.
Tangina mo Bryle!
Naghiyawan ang lahat pero agad na napawi iyon ng magsalita ulit ang doctor na nagpakaba sa amin. Inaamin kong masaya akong buntis ulit pero natatakot ako sa panibagong obligasyon na nakatoka sa akin.
Hindi madaling maging Ina.
"But we have a problem." Nangunot ang noo ko. "Mahina ang kapit ng bata."
Ipinaliwanang niyang mabuti ang pagbubuntis ko. Mga vitamins na natry ko na ring inumin noong pinagbubuntis ko ang kambal. May bago rin siyang nireseta.
Todo tango naman ako sa payo ng doctor. Chinecheck naman ng nurse ang kalagayan ng pulso ko pati na rin ang puso ko. Dala na rin daw ng stress kaya mahina ang kalit ng bata sa sinapupunan ko.
Araw-araw ba naman akong istress'in ni Bryle?
"Thank you Doc." Sabi ni Bryle at hinatid ang doctor at kasama nitong nurse sa pinto.
"It's my pleasure to be the doctor-in-charge of your wife Mr. Aberla." Sagot ng doctor at nagbow kay Bryle. Napatingin pa siya kay Mama at Dad tsaka ngumiti.
"Sabi sa'yo Mia 'e!" Agad na sigaw ni Hera sa akin. Nagtitili ang mga kababaihan habang nakifist to fist ang mga kalalakihan kay Bryle at panay sabi ng congrats bro. Napangiti ako.
Magiging tatlo na ang anak ko.
Parang kailan lang noong pinapangarap kong makapagtapos ng pag-aaral at mag-aasawa ng lalaking mamahalin ako panghabang-buhay. Masayang pamilya at payapa pamumuhay.
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
RomansaNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2