Mia's POV:
"N-nahihiya ako Mommy. Mukha kasing close na close ang mga bata sa iba pa nilang kalaro."
Napatingin naman ako sa mga bata na naglalaro ng tagu-taguan ngayon. Makikita sa kanila ang saya na makipaglaro sa ibang mga bata. Puro tawanan at biruan ang maririnig mo mula sa kani-kanilang labi.
"Ba't hindi mo subukan para malaman mo?"
"I'm scared that they might reject us."
Nagulat ako sa narinig ko mula kay Sia. B-bakit naman sila matatakot na hindi sila matanggap o ayawan ng ilang mga bata. Kasalanan ko lahat ng mga ito. Kung hindi ko sana ipinagkait sa reyalidad eh di sana hindi nila mararamdaman ang ganiyang reaksyon.
"W-wala namang mawawala sa'yo Sia kung susubukan mo diba? M-malay natin gusto ka nilang makalaro?"
Yan na lang ang tanging nasabi ko. Hindi ko mahanap ang tamang salita na sasabihin sa kanila sa labis na gulat at lungkot.
"But Mommy--"
Natigil ang sasabihin sana ng anak ko nang may lumapit sa mesa namin na isang batang babae. Puno ng pawis ang kaniyang noo at hinihingal pa.
"Magandang araw po Tita. Pwede ho ba naming makalaro sila?" Tanong nito sa akin. Ang tinutukoy niya sila ay sina Ice at Sia na ngayon ay nakatingin sa batang babae. Bakas sa mukha nila ang gulat at pag-asa.
Hindi pa ako nakakasagot ng may lumapit na naman sa amin na isang batang lalake. Mukhang mas matanda ito kaysa kina Ice at Sia. Base sa aking kongklusyon,magkasing-edad ang batang babae at ang batang lalake.
"Sige na po." Paki-usap niya sa akin. Napatingin na rin sa akin sina Ice at Sia at hinihingi nila ang aking sagot na payagan sila. Hanggang sa lumapit na ang iba pang mga bata na naglalaro lang kanina at sabay-sabay na nag-please sa harap ko.
"PLEASE PO!"
"Payagan niyo na po sila. Gusto po naming makalaro 'tong mga anak niyo."
Ilang segundo akong natulala hanggang sa dahan-dahan akong tumango. Napa-yes naman sila kasama na doon ang twins. Nauna nang maglakad ang ibang mga bata sa gitna at hinintay sina Ice at Sia. Ngumiti ako sa kanila at kinausap muna bago payagang maglaro.
"Mag-iingat kayo sa paglalaro. Bawal masugatan hah? Tapos kung pawis na kayo,lumapit kayo sa akin para mapunasan ko. Kung nauuhaw,may tubig dito sa bag. 'Wag lalayo dito at huwag makikipag-usap sa 'di kilala. Understand?"
Tumango naman sila sa lahat ng sinabi ko at nagsimula nang tumakbo papunta sa ibang mga bata. Ilang minuto silang nag-u-usap-usap doon at sa tingin ko,nagpapakilala sila sa isa't isa.
"TAGU-TAGUAN TAYO!" Sigaw ng isang bata na babae. Yun yung lumapit kanina sa akin at kinausap ako. Mukhang tagu-taguan ang lalaruin nila. Nagsimula naman akong kinabahan dahil baka mawala ang isa sa kanila.
Ang naging taya ay isang batang babae na mataba. May kulot itong buhok at hindi na yata makatakbo sa dami ng taba sa kaniyagng katawan. Haha!
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Wala sa likod,wala sa harap. Pagbilang ko ng sampu,nakatago na kayo. Isa! Dalawa! Tatlo!" Kanta ng bata. Napatawa naman ako dahil nakikita ko sila Ice at Sia na nakatago sa isang puno sa 'di kalayuan mula sa kinauupuan ko ngayon.
Nagsimula nang maghanap ang bata. Dahan-dahan itong naglalakad at nagmamasid sa paligid na parang isang spy. Napatawa naman ako dahil ilang sandali lang ay may nahanap na siyang isang bata. Tiyak na yung unang nahuli na bata ang magiging taya mamaya. Habang ang twins ay hindi pa nahuhuli kasama na ang apat pang bata.
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
RomanceNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2