Chapter 86

21.9K 417 54
                                        

Mahigit isang linggo na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita sa mga anak ko. Domoble ang pag-aalala ko para sa kaligtasan nila. Madalang na rin kung makita ko sina Mama at Dad dito sa bahay dahil busy sila sa paghahanap.

Naiinis na rin ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para sa mga anak ko. Hindi ko na rin sila nakakasabay sa pagkain at hindi na rin makausap. Magpapaalam pa naman sana ako na uuwi ako sa probinsya namin para kamustahin ang Lola ko.

Sigurado akong nag-aalala rin siya sa akin kaya bibisita ako sa kaniya. Hindi ko pa alam kung anong eksaktong petsa ang paglalayag ko dahil inaalala ko ang paghingi ko ng pahintulot kina Mama.

Gagawin ko rin ang makakaya kong hanapin ang kambal doon sakaling napadpad sila sa aming probinsya. Posibleng nandoon sila at imposible rin na nandoon sila.

Mababaliw na talaga ako!

"Hindi pa po ba nakakauwi sina Mama?" Tanong ko sa isang katulong na namataan ko na naglalakad papuntang kusina. Gulat naman itong tumingin sa akin at dali-daling yumuko.

"H-hindi pa po Señorita." Nangunot naman ang noo ko sa naging sagot niya. Gabi na pero hindi pa rin sila nakakauwi? Pasado alas-diyes na ng gabi pero wala pa sila. Sa ganoong mga oras, dapat ay nagpapahinga na sila dahil baka hindi kayanin ng kanilang katawan ang puyat.

Nandito kami ngayon sa sala. Bumaba ako dahil ito na ang tamang panahon para sabihin sa kanila ang akong plano na pag-alis. Tatalikod na sana ako sa kaniya pero napatigil ako nang makarinig ako ng busina ng sasakyan.

Mukhang nariyan na sila.

Umalis naman sa harap ko ang katulong at pinagbuksna ng pinto sina Mama na ngayon ay pagod na pagod na nakatayo sa labas. Nang makita ako ni Mama, pinansin niya agad ako at tinanong kung bakit gising pa ako.

"Why are you still awake?"

"May sasabihin po ako Dad at Ma." Tumingin naman si Mama at Dad sa katulong na para bang pinapaalis ito sa harap namin. Agad naman na tumalima ito at naglakad paalis.

"May sasabihin rin ako sayo. Pero mauna ka na." Sabi naman ni Dad at naupo kami sa sofa. Wala na akong pinalampas pang oras at sinabi na ang matagal ko nang pinaghandaan na sasabihin ko.

"Luluwas po ako sa probinsya namin." Walang lagatol-gatol kong sabi. Hindi naman sila nagulat sa sinabi ko bagkus ay ngumiti pa sila. Nagtaka naman ako sa inasal nila.

Ayaw nga nila akong palabasin ng bahay 'e, tapos luluwas pa kaya papuntang probinsya?

"Bago ko sabihin ang desisyon ko, may dapat kang malaman Iha." Sabi ni Dad sa seryosong tono. Hindi na sila nakangiti ngayon kundi seryoso na silang nakatingin sa mga mata ko.

"Ano po iyon?"

"Hindi ka na ligtas sa bahay na ito." Si Dad.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?"

"Makinig kang mabuti Mia. Malapit ka nang matunton ni Bryle kaya ngayong maaga pa, kailangan mong umalis sa pamamahay na ito. Nagustuhan ko ang sinabi mo kanina dahil naaayon ito sa plano namin ng Dad mo. Papayagan ka naming lumuwas kahit saan man pero mag-iingat ka dahil matalas ang pandinig ni Bryle." Napatango-tango naman ako sa sinabi ni Mama. Kung ganun ay ngayong gagabi na ako luluwas.

"Sa probinsya po muna ako at maghahanap-hanap na rin ako doon tungkol sa kambal. Sa tingin ko po, ngayong gabi na ako aalis para walang masayang na oras."

Nagkatingin muna ang mag-asawa bago tumingin sa akin. Nakita ko ang pag-aalinlangan at pag-aalala sa kanilang mga mata.

"Sigurado ka ba Iha?" Naniniguradong tanong ni Dad.

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon