Chapter 101

18.4K 350 48
                                    

Mia's POV:

"Please continue." Sabi nito sa babaeng natulala na sa harap. Nanatiling nakatingin ito kay Bane na walang pakialam sa kaniya dahil nasa binabasa ang atensyon nito. Hindi pa nga niya ako nakikita kahit na kaharap niya lang ako.

Malalalim na eyebags. Pumayat siya ng konti. Halatang-halata na naging stress siya sa nagdaan na buwan. Dahil ba sa akin Bane? O nag-aassume lang ako?

Tumikhim si Bryle kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. Nakatingin ito ng malamig sa akin kaya napalunok ako ng wala sa oras. Pati ang babaeng nakatulala sa harap ay natauhan rin.

Buong oras akong nakatitig kay Bane. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na naiintindihan ang meeting na nagaganap ngayon. Na kay Bane na kasi ang buong atensyon ko.

Marahil naramdaman na niya ang titig ko sa kaniya kaya napatingin na rin siya sa direksyon ko. Agad na nagtama ang paningin namin. Nanlaki ang mga mata niya at muntik nang maisigaw ang pangalan ko.

Ngumiti ako sa kaniya ng malapad ganun rin siya sa akin. Naiiyak na ako pero pilit kong pinipigilan. Naramdaman kong may nakatingin sa akin na parang papatayin ako, si Bryle pala. Nakakunot rin ang noo at pabalik-balik na tumingin sa amin ni Bane.

Someone is jealous.

"T-thank you for l-listening."

Natapos na pala ang meeting. Nagsitayuan ang lahat maliban sa aming tatlo na nakikiramdam sa isa't isa. Lumapit sila kay Bryle at nakipagkamay at nagbow na rin bago umalis ng conference room.

Heto na! Magtutuos na kaming tatlo!

"Cass."

Lalapit na sana ako kay Bryle upang magpaalam na mauna na siya sa labas nang tawagin ni Bane ang pangalan ko. Nasa mukha nito ang pinaghalong lungkot at saya.

"Bane." Hindi ko maiwasang maibulalas.

"Bakit hindi ko kaya nakita noon sa Park?" Agad na tanong niya. Lumapit siya sa akin pero hinigit ako sa braso ni Bryle at umakbay sa akin. Napa-aray ako sa sakit.

"Because she came back to me Mr. Bane Velasco." Malamig na sabat ni Bryle.

"Sorry for being impolite Sir but we need to talk in private without you." Maanghang na sagot ni Bane. Nakita kung paano kumuyom ang kamao niya pero nanatiling nakatayo lamang sa tabi ko.

"She's my wife kaya kailangan na samahan ko siya saan man siya magpunta." Depensa ni Bryle. Kinakabahan ako ngayon. Matalim ang titig nila ang isa't isa.

"Hindi naman siya pipi, bulag o pilay kaya hindi mo na siya kailangang samahan." Napatawa ng sarkastiko si Bryle.

"Hindi ba kayo makakapag-usap ng wala ako? Gaano ba yan kaimportante?" Napaismid si Bane at hindi nagpatalo.

"I thought you're a genius. Pero simpleng private, hindi mo pa maintindihan."

"What did you say?!" Sigaw ni Bryle at handa na sanang suasuntukin si Bryle nang pumagitna ako. Yumakap ako sa bewang ni Bryle para patigilin siya.

"Huminahon ka Bryle." Singit ko. Sa akin nabaling ang matalim na tingin ni Bryle. Kahit na natatakot man, muli kong nilakasan ang loob kong magsalita. "Mag-uusap lang kami ni Bane."

Binigyan ako ni Bryle ng di-makapaniwalang tingin. Napakalas siya sa yakap ko at tinignan ako ng malungkot at walang paalam na naglakad papauntang pinto. Pero bago siya makalabas, nagsalita siya.

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon