Mia's POV:
"Hello. Nandiyan ba sa inyo yung Lola ni Mia?" Tanong ni Hera kay Hagen. Siya na lang ang hindi namin napagtatanungan kaya sana nasa kaniya si Lola.
"Wala bakit?"
"Nevermind." Binaba agad ni Hera ang tawag at may pag-aalinlangan siyang sabihin sa akin kung ano ang isinagot ni Hagen sa kaniya.
"Ano sabi?" Tanong ko na kinakabahan na rin. Lahat na lang ba ay mawawala sa akin? Doble-dobleng kaba ang nararamdaman ko dahil pailalaim kung tumungin si Hera sa akin.
Parang anytime ay may dalang bomba ang bibitawan niyang salita at biglang sasabog. Nakakatakot! Tanging ang tibok na lang ng puso ko ang naririnig ko at nanlalamig na rin ang mga kamay ko.
"Baka naman may pinuntahan na ibang kakilala dito sa Maynila. 'Wag na muna tayong mag-isip ng kung anu-ano Mia."
"Pero---"
"Ano ba Mia? Kumalma ka nga muna! Sure akong okay lang si Lola. Hindi naman siguro sasama ang Lola mo kung hindi niya kilala 'yung sumundo sa kaniya diba?"
Nag-isip naman ako ng malalim. May point ang sinabi niya pero hindi ko pa rin maiwasang mag-isip ng nega 'e lalo na't Lola at Tita ko ang pinag-uusapan dito. Napabuntong-hininga na lang ako at napakamot sa leeg.
"By the way, wala pa rin bang balita sa Kambal?"
"Yun nga ang problema 'e! Hindi nila mahanap-hanap yung mga pamangkin ko. Aba! Mukhang matalino at 'di basta-bastang kidnapper 'yung kumidnapp sa kanila 'a?"
"E si Bryle, anong balita sa kaniya? Pinaghahanap pa rin ba niya kami?"
"Wala namang nababanggit yung mga pinsan niya. Baka napagod na rin kakahanap sa inyo." Sagot niya.
"May kutob akong nasa kaniya ang mga Anak namin Hera."
"Pwede rin. Maybe you should rest first! Look at yourself, parang bangkay ka na sa putla ng balat mo! Pati eyebags mong nag-iitiman! Stress na stress ka na talaga! Ano bang nangyari sa'yo nung nasa Probinsya ka?" Mausisa nitong tanong. Hindi naman agad ako nakasagot. Umiling-iling na lang ako sa kaniya.
Tinignan naman niya ako ng maigi. Parang tinatantiya niya kung nagsasabi ako ng totoo. Umiwas na lamang ako ng tingin at naglakad papunta sa kabilang kwarto kung saan ang guestroom nila.
Parang sarili ko na rin itong bahay dahil daig ko pa ang may-ari kung umasta ako. Feel at home kasi ako. Okay lang naman kina Tita dahil bestfriend naman ako ng anak nila. Tsaka isa pa, palagi akong dumadalaw dito noong highschool pa lang kami kaya kabisado ko na yung pasikot-sikot dito.
May sarili akong kwarto dito sa bahay nila at 'yun ay ang isa sa mga guestrooms dito. May damit pa nga ako dito pero hindi ko alam kung kakasya pa ba sa akin dahil alam niyo na, matagal nang nakaimbak ang mga iyon dito.
"Hoy! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko! Aba!" Nakasimangot niyang sigaw nung nilingon ko ito. Nasa pintuan siya at nakalahukipkip at may nalalaman pang nguso. May pagkachildish pa rin.
"Pagod na ako Hera. Maawa ka naman sa akin. 'Kala ko ba magpapahinga ako nang matanggal naman konti ang stress ko?"
"Eeeeee! Mamaya na nga lang! Tulog ka na! Gigisingin na lang kita mamaya kapag kakain na."
Napabuntong-hininga naman ako. Alas-otso na ng umaga at hindi pa ako kumakain ng umagahan. Kumakalam at nangangasim na ang sikmura ko sa labis na gutom. Prutas lang naman ang nakain ko kanina habang nasa bus. Nakakawala ng hilo ang orange kung kakain ka nito habang bumibiyahe. Amoy-amoyin mo ang balat nito.
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
RomanceNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2