Mia's POV:
Hindi ko alam kung anong sasabihin. Natameme ako sa harap niya. May nakatutok pa na baril sa akin. Nakangisi ito pero ang napansin ko, hindi na siya ang Lian na tulad ng dati.
I mean, ang pisikal niyang itsura ang nagbago.
Magulo ang buhok. Baka ako nga rin 'e dahil sa dulot ng malakas na hangin. Medyo tumaba siya at nawala ng konti ang magandang kurba ng kaniyang katawan.
Kitang-kita rin ang pagpupuyat nito dahil sa malalaking eyebags at maiitim na ilalim ng kaniyang mga mata. Konti na lang at magiging panda na siya.
Mag-isa lang itong nakatayo sa gitna ng rooftop na ito. Hindi naman ako masyadong malayo sa kaniya kaya rinig na rinig ko ang isinigaw niya kanina.
"Ohh well! It's nice to see you again my bitch little stepsister!" Sigaw niya ulit na nagpagulat sa akin. Totoo ba ang narinig ko o guni-guni ko lang?
"Anong sabi mo?!"
"Bingi ka na rin ba ngayon o hindi ka makaintindi ng wikang Ingles?! Ayan! Magtatagalog ako para sayo!" Ramdam na ramdam ko ang sarkastiko niyang tono.
"Mag-usap tayo ng maayos Lian! 'Wag mo kong idaan sa mga bulok mong mga pakulo!"
Napatakip agad ako sa bibig. Hindi ko intensyong sabihin ang huling linya. Nakita ko kung paano mas nagalit ang kaniyang reaksyon. Napabuntong-hininga ako. Galing ko talaga!
Nagalit na tuloy ang baliw na leon!
"How dare you! Talagang ginagalit mo ako!"
Wala akong ibang mapansin na ibang presensya bukod sa amin. Kung ganun ay nag-iisa lang siya? Medyo hindi ako naniniwala na nagawa niyang makapunta rito ng mag-isa. Sigurado akong may back-up siya at nasa tabi-tabi lang ang mga iyon.
Pasimple akong lumingon-lingon sa paligid pero wala. Trap ba ito? O magaling lang silang magtago? O kaya'y nasa ibang building sila at may nakatutok na sa ulo ko ang sniper na baril?
Muli akong napatingin kay Lian. Balikan natin ang sinabi niya kanina tungkol sa pagiging magkapamilya namin.
"Pasensya na. Gusto lang kitang makausap ng maayos." Ako na ang nagpakumbaba para sa amin. Alam ko namang hindi niya ibababa ang pride niya para sa akin. "Gusto kong malaman kung totoo ba ang sinabi mo kanina na magkapatid tayo."
Nawala ang galit niyang mukha at napalitan ng tawa. Ibinaba niya ang baril na nakatutok sa akin. Malademonyong tumawa ito na katulad ng mga mangkukulam sa telebisyon. Aaminin kong tinayuan ako ng mga balahibo.
Bagay na bagay talaga sa kaniya.
"You're curious?" Naglakad ito palapit sa akin at pinaikutan ako. Nasa kaniyang kamay ang baril. Tumawa na naman siya. Sasagot na sana ako ng "Obvious ba? Magtatanong ba ako kung hinde?" Pero pinigilan ko ang aking bibig. Inuuto lang yata ako nito.
"Hindi tayo magkapatid Mia! Hindi kita magiging kapatid!" Biglang outburst niya na nagpagulat muli sa akin. Nagpapadyak-padyak pa ito at biglang umupo sa sahig. Ginulo-gulo niya ang kaniyang buhok na parang isang baliw.
"Tama na! Tama na! Hindi ko kasalanan 'yun!" Sigaw siya ng sigaw ng ganiyan. Paulit-ulit. Pinabayaan ko lang siya. Itinutok pa nito ang nguso ng baril niya sa kaniyang ulo. Malay mo umaacting na naman at inuuto ako? Hanggang sa tumigil rin siya at tumawa ulit.
Yung totoo, baliw na ba siya?
"Ano bang nangyayari sayo Lian?"
Nag-aalala kong tanong. Kahit na kaaway ko siya, hindi ko maiwasang mag-alala sa kalagayan niya. Tumigil siya sa pagtawa at nakangiting tinignan ako. Tumayo ito na parang walang nangyari.
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
RomanceNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2