Chapter 84

22.1K 456 58
                                    

Mia's POV:

Binilisan ko ang pagligo dahil kanina pa katok ng katok yung mga mokong sa labas ng kwarto ko. Kakairita!

"Matagal pa ba?!"

"Luh! Baka nalunod na siya sa banyo?!"

"Oo nga!"

"Buksan na natin!"

Hindi ko maimagine na naging close silang lahat. Never ko naman kasi sila ipanakilala sa isa't isa kaya wala akong kaalam-alam na may friendship na pala sa kanila. Nahuhuli tuloy ako sa balita.

"Magbibihis na lang ako!" Sigaw ko pabalik.

"Tagal naman!"

Ano pa ba ang matagal 'dun 'e mga sampung minuto lang ako naligo? Baka nga isang oras silang maligo sa mga bahay nila! Alam mo na? Mga mayayaman 'e!

'Di tulad ko na kailangang magtipid sa tubig para konti lang ang babayaran. Ganun ang pagbudget ko ng sahod ko sa trabaho nung nag-aaral pa ako. Speaking of pag-aaral, namiss ko tuloy yung dating school ko.

Nang matapos akong magbihis, dali-dali akong lumabas ng kwarto. Buti nga may extrang damit dito kundi baka namomroblema na naman ako kung ano ang susuotin ko.

Nadatnan ko silang nakaupo sa labas ng pinto at kaniya-kaniyang may cellphone sa kamay. 'O 'diba? Kung makapagsalita sila ng matagal, parang wala silang ginawa kundi maghintay ah?

Mga abnoy! Hindi ko na yata kakayanin na pakisamahan sila tapos idagdag pa yung Aberla Cousins? Diosko!

"Ay wow! Naappreciate ko naman yung effort niyo sa akin sa paghihintay." Sarkastiko kong saad sa kanila. Tumingin naman sila pabalik sa akin na parang bored na bored sila sa ginagawa nila sa buhay.

"Dapat lang 'no!" Si Yevlin.

"Tagal mo nga 'e!" Si Zero.

"Anong oras na ba?" Tanong ko. Tumayo naman sila at naglakad papunta sa hagdan. Habang ako ay nakasunod lang sa kanila na parang nawawalang bata.

"Ala-dose na kaya ng tanghali. Gutom na nga kami 'e! Tagal mo kasing maligo!" Sagot ni Grace.

"Teka nga muna! Bakit ba palagi niyong sinisingit yung pagligo ko nang matagal? Ang dali ko ngang naligo 'e!" Naiirita kong tanong. Kanina pa kasi sila kaya naman napipikon na ako. Humarap naman sila ng dahan-dahan sa akin at pinalibutan ng pabilog.

"KANINA PA KAMI NANDITO AT HINIHINTAY KA NAMING MAGISING! KAYA NAGUGUTOM NA KAMI!" Sabay-sabay nilang sigaw at ultimo laway nila ay tumalsik sa mismong mukha ko.

Bastusan lang?!

"Hindi ko naman kasi alam na nandito kayo! 'E kung pinagising niyo na lang ako sa mga katulong para naman hindi na kayo naghintay pa!" Sigaw ko pabalik. Para na nga kaming mga baliw dito na nagsisigawan pero malapit sa isa't isa!

"Basta kasalanan mo!" Paninisi pa ni Hera. Aish!

"Ba'la nga kayo diyan!" Sa sobrang inis ko sa kanila, nagwalk-out na lang ako. Ay oo nga pala! Hindi ko kabisado ang bahay. Napatigil naman ako sa paglalakad at hinintay silang makapantay ang paglalakad ko.

"Ginagawamue?" Tanong ni Yevlin sa akin at ginaya pa ang viral sa social media na ganiyan rin ang tanong. Kala niyo hindi ako updated 'no? Sayang lang naman ang wifi kung hindi gagamitin 'diba?

Papakinabangan ko na lang!

"Sml?" Pabalang kong sagot. Pang-inis din sa kanila.

"Woah! San mo natutunan 'yan?" Amaze na tanong nila sa akin. Napataas naman ang labi ko at nagflip pa ng buhok para mas dama nila ang pagtataray ko.

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon