Chapter 85

22.4K 456 46
                                        

Mia's POV:

"Gusto ko nang makita ang kambal. Sure akong ang cu-cute nila dahil nagmana sila sa akin." Sabi ni Eunice. Nandito kami ngayon dito sa garden ng bahay at katatapos lang naming kumain ng tanghalian.

"Hala! Ikaw ba ang Nanay?" Mataray na tanong sa kaniya ni Hera. Napasimangot naman ang isa at nagtuloy sila sa pag-aasaran.

"I'm related to Kuya Bryle so nasa genes na namin ang pagiging gwapo at maganda."

"Maganda ka ba?"

"Aish! Ofcourse!"

"E bakit hanggang ngayon wala ka pang boyfriend?"

"Ganun ka rin naman."

"Wala pa sa isip ko ang pagboboyfriend. Sakit lang yan sa ulo." Tanggi ni Hera pero alam ko naman na atat na atat na yang magkaboyfriend! Marami ngang nanliligaw pero pihikan!

"So Mia, hindi ka pwedeng lumabas ng bahay na'to? Kahit diyan lang sa labas ng gate?" Tanong ni Quenos kaya napatingin silang lahat sa akin including Hera and Eunice who's busy talking awhile ago.

"Hindi 'e! Alam niyo naman si Bryle, sure akong marami siyang inihire na private investigators niya para mahanap kami. Pero nagtataka ako kung bakit hindi niya kami nahanap sa makalipas na limang taon."

Kataka-taka naman talaga 'diba? Knowing him, hindi siya susuko makuha lang ang gusto niya. 'O baka naman wala talaga siyang pakialam sa amin kaya hindi na siya nag-effort pa sa paghahanap.

"Ang galing niyong magtago huh?" Nakangising saad ni Hagen. Sus! Takot lang namin kay Bryle once na mahanap kami.

"Pero seriously Ate Mia, hindi ka ba nacucurious kung ano na ang lagay ni Kuya Bryle ngayon?" Tanong ni Grace sa akin. Napaisip naman ako sa tanong niya at sumang-ayon din kalaunan.

Gusto ko ring malaman kung masaya na ba siya sa buhay niya ngayon lalo na't wala na kami sa landas niya. Siguro naman nagawa na niya ang lahat ng gusto niya 'diba?

"Ayy! Curious siya!" Pang-aasar ni Yevlin sa akin. Umirap naman ako sa kaniya kaya naghiyawan ang mga kupal. Iba na naman yata ang iniisip nila.

"Mahal mo pa ba?" Seryosong tanong ni Hera. Natahimik naman silang lahat at hinihintay ang sagot ko. So big deal ba sa kanila kung mahal ko pa ba siya? Nagkibit-balikat naman ako.

"Si Zero na lang ang magkukwento sa'yo, tinatamad 'tong bibig ko na ngumanga." Boring na sabi ni Hagen. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya napataas ang gilid ng labi niya.

"Bakit ako?" Takang tanong ni Zero.

"Kaw na lang Bro." Si Hagen.

"Mga walang kwenta kayo talaga! Ako na nga lang." Inis na singit ni Yevlin sa usapan. "Ehem ehem!"

"So ganito nga. Once upon a time, may isang lalaki ang nagngangalang Bryle--- aray!" Hindi na niya natuloy ang sinasabi niya ng binatukan siya ng dalawang tokmol na kagaya rin niya.

"AYUSIN MO GAGO!" Sigaw pa ng mga ito. Nauubusan na ako ng pasensya sa tatlong 'to!

"Kailangan pa bang magbatok?! Sakit ah!"

"Ituloy mo na!" Si Hagen. Kala ko ba tinatamad 'tong ngumanga? 'E nakakailang nganga na yang bibig niya 'e!

"Wag kang mabibigla Mia hah? 'Wag kang masasaktan at 'wag kang iiyak sa harap namin hah?!" OA na tanong ni Zero sa akin. Yung totoo? Naging adik na ba sila noong nawala ako ng ilang taon?

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon