Chapter 93

18K 336 22
                                    

"A-anong sabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ang hirap paniwalaan ang huli niyang sinabi. Hindi ko namamalayan na napaluha na pala ako tindi ng emosyon ko ngayon.

Galit. Sakit. Lungkot.

"You heard me right."

Mababaliw na ako! Hindi ko na alam kung nasa tamang pag-iisip pa ako ngayon. How can I didn't see them? Ganun na ba ako kamiserableng Ina?

"Bakit hindi ko sila nakita?"

"I don't know. Pero one thing for sure, itinadhana ng Diyos na hindi talaga kayo magkikita na magkakapamilya dahil may iba siyang plano para sa inyo. May reason siya kaya 'wag mo sisihin si God."

"Sabihin mo nga sa akin Hera, masama ba akong tao?" Patuloy pa rin ako sa pag-iyak at hindi makarecover sa nalaman ko kani-kanina lang. Sobrang sakit isipin na makakasama mo na ang mga anak mo pero naging bato pa!

"What?! No! God knows especially the people around you that you're a good person."

Hindi nagbago ang nararamdaman ko. Mas lalo akong napaiyak sa tinuran niya kaya inalo-alo naman niya ako sa pamamagitan ng pagtapik-tapik sa likod ko.

Ngayon ay sigurado na akong na kay Bryle ang mga anak ko. Siya ang nakakuha sa kanila. Hindi imposibleng magkita sila lalo na't nasa iisang lugar lang sila noong mga panahon na iyon.

Pero ang ipinagtataka ko, bakit hindi man lang nagpakita si Bryle sa akin kung sakaling alam na niya kung nasaan ako at paanong napunta ang Kambal sa Probinsya namin? Napakamisteryoso para sa akin ang pangyayaring iyon.

Hindi kaya sa una pa lang ay si Bryle na talaga ang nakakuha sa kanila ng makidnapp ako at maiwan sa parke ang kambal? Kung ganoon nga ang nangyari, kaya pala hindi sila mahanap-hanap ng mga tauhan ni Mama ay nasa kaniya na pala.

Tumahan naman ako sa pag-iyak at pinunasan ang luha ko gamit ang likod ng aking palad. Tinignan ko siya ng deretso sa mata na puno ng detemirnasyon.

"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para lang makasama muli ang mga anak ko kahit na kapalit pa 'nun ay ang pagkakulong ko mula kay Bryle."

~~~

Hatinggabi na ng magising ako sa pagkakatulog. Kaninang hapon, pagkatapos naming mag-usap ni Hera ay dumeretso agad ako sa aking kwarto. Nagmukmok at hindi namalayang nakatulog ako dala na rin siguro ng pagod.

At isa pa, nauuhaw ako. Hindi na rin pala ako nakapaghapunan kaya napangiwi ako. 'Di kaya magka-ulcer na ako nito? Palagi na lang na walang lamanang tiyan ko.

Napag-isipan kong bumaba na lamang. Hindi naman mapapawi ang gutom ko kung nagpumilit pa akong matulog dahil kumakalam na. Kung mayroon pang natirang pagkain kagabi?

Hindi man lang kasi ako ginising ni Hera. Napakamot ako sa leeg dahil sa inis. Nasa may hagdan na ako nang mapansin kong nakapatay ang ilaw sa labas. I mean, sa labas ng pinto.

Awtomatikong nangunot ang noo ko dahil sa pagkakatanda ko ay sinisindihan nila ng ilaw ang parteng iyon para kung sakaling may papasok ay hindi na nila kailangan pang magflashlight.

Weird.

Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil baka nagbago ang estilo nila Hera. Para na rin siguro makatipid sila sa kuryente. O baka nakalimutan nilang sindihan.

Napailing-iling na lamang ako sa mga naisip ko. Pati mga munting mga bagay ay pinagtutuunan ko ng pansin. Hindi naman big deal iyon. Tsk!

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon