Chapter 105

18.5K 364 42
                                    

Mia's POV:

Nanlalamig at namamawis ang mga kamay ko. Mabilis ang pintig ng puso ko. Hindi mapakali sa upuan at palingon-lingon sa paligid. Kinakabahan talaga ako ngayon dahil makikita ko na ang mga magulang ko.

"Relax Mia." Pagpapakalma sa akin ni Bane. Oo, nandito siya sa tabi ko at matiyaga kaming naghihintay sa mga magulang ko. Talagang napaaga kami ng dating para maihanda ang sarili ko.

"Kinakabahan talaga ako." Sagot ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at iniharap ang katawan ko sa kaniya. Pinagdaop niya ang mga palad ko.

"Hindi naman siguro sila nangangagat 'no?" Pabirong tanong niya na nagpatawa sa akin. Gumaan ang loob ko sa biro niyang iyon. Nabawasan ang panginginig ng kamay ko. Napahinga ako ng malalim.

"Mia?"

Napalingon kami sa harap namin ni Bane. Nakatayon doon sina Helios at Ivan, pawang may nagtatakang tingin. Pabalik-pabalik ang paningin nila sa amin ni Bane na parang hinuhusgahan kami.

Dali-dali akong napalayo kay Bane at tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Ayoko lang na mag-isip sila ng masama tungkol sa amin.

"Kayo pala 'yan. Ano nga pa lang ginagawa niyo dito?" Takang tanong ko. Nagkunwari akong walang ginagawa na nakita nila sa amin ni Bane.

Pero sana hindi ko na itinanong pa dahil napahiya lang ako sa sarili kong tanong. Obvious na obvious naman kasi ang sagot.

"Iinom ng coffee?" Sarkastikong sagot ni Helios. "Hinahanap ka ni Bryle kagabi pa at makikita ka lang namin dito na may kasamang ibang lalake?" Dagdag niya.

Napayuko ako at nakaramdam ng hiya. Pero agad ko iyong iwinaksi sa aking isipan at lakas-loob silang tinignan deretso sa mata. Bakit ako mahihiya? Wala naman akong ginagawang masama! Tsaka bakit hindi muna nila tanungin ang kabarkada nila bago nila ako jinudge?

"Oh ano ngayon kung nakita mo ako dito?" Sarkastiko kong tanong.

Hindi nga ako umuwi sa bahay ni Bryle at nakitira sa bahay ni Bane sa gubat. Wala akong ibang nadatnan tao na nagpakunot sa noo ko. Ipinaliwanag naman niya sa akin na tinanggal na niya sa trabaho si Aling Linda magmula nang mawala ako. Sinisisi daw niya kasi ang sarili niya sa nangyari sa aming mag-iina.

"Ang sa amin lang naman, sana sinabi mo kay Bryle na hindi ka uuwi sa bahay ninyo. Alam mo bang, buong magdamag siyang naghintay sayo sakaling umuwi ka?" Sagot ni Helios.

Tawag nga ng tawag si Bryle kagabi sa cellphone ko pero ilan beses kong pinapatay. Hindi pa kasi ako handang kausapin siya at palagi kong naaalala ang kasinungalingan niya.

Nasa point na nga ako na, ini-off ko na ang cellphone ko. Pero bago iyon, tinawagan ko muna ang mga kakilala ko para sabihin sa kanila ang nalaman ko mula kay Bryle. Awtomatikong nagalit sila kay Bryle sa ginawa nito.

May usapan nga kami na magkikita-kita rito at para na rin makilala nila ang mga magulang kong ilang taon kong hindi nakilala. Pati sina Lola ay papunta na rin at malapit na rin silang makarating dito. Ini-open ko na kanina ang cellphone ko at sandamakmak na messages ang natanggap ko mula kay Bryle.

"Pre. Tama na 'yan. Hindi kasalanan ni Mia kung mas pinili niyang hiwalayan ang asawa niya." Pagtatanggol sa akin ni Bane. Napahawak ako sa braso niya at kinalma siya. "Hayaan mo na Bane."

Nanatiling tahimik si Ivan na nakatingin sa akin. Habang si Helios ay may inis na nakatingin kay Bane. "Pansin kong kanina pa kayo naghihintay dito." Sa wakas, nagsalita na rin si Ivan.

"May hinihintay kami." Ako na ang sumagot sa tanong niya. Marahil, kanina pa sila dito ni Helios at paikot-ikot sa loob ng mall.

"May reunion ba people?!" Nagulat kaming lahat ng may sumigaw sa likod ko. Napatingin kaming lahat ng mga tao dito sa sumigaw na iyon. Si Eunice lang pala at kasama niya ang ibang mga pinsan ni Bryle pati na rin ang mga kabarkda kong sina Hera. Kompleto silang lahat.

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon