Chapter 71 ~ Ang Kambal
Mia's POV:
"Yaya ako na diyan."
Ako na ang nagpresinta na maghugas ng mga pinagkainan namin. May katandaan na rin si Yaya at nasa singkwenta anyos na siya pero nakakaya pa rin niyang magtrabaho. Nakasama na nga siyang lumaki ng kambal.
Mahigit limang taon na namin siyang kasama sa bahay na 'to. Hindi ko man lang alam kung nasaan ang pamilya niya dahil hindi naman siya nagkukwento tungkol sa buhay niya.
Nagagawa niyang linisin ang buong bahay kahit na mag-isa lang siya ganun na rin sa labas. Hindi na ako magtataka kung pati sa labas ay kumintab na rin sa sobrang linis. Wala kang makikitang kahit na dumi parang sa mansyon lang nila Bryle?
Si Sia ay nasa kwarto na niya. Hindi niya talaga ako pinapansin. Nagtatampo pa rin siya o mas tamang sabihin na galit siya sa akin?
"Ay ako na po Ma'am. Magpahinga na lang po kayo sa kwarto niyo."
Natawa naman ako sa naging sagot niya. Hindi niya ako hinahayaang magtrabaho pero ako pa rin 'tong makulit at palagi siyang pinipilit na tulungan ko siya sa mga gawaing-bahay.
Palagi nga akong walang ginagawa dito sa bahay kundi alagaan ang mga anak ko tapos linis-linis ng kaunti dito.
Kung minsan pa nga, puro tulog ang ginagawa ko dahil nagpapa-independent na ang twins. Kung umasta sila, parang hindi na bata.
Kumbaga, matured na! Kakatuwa namang isipin pero hindi ko maiwasan na malungkot dahil ang bilis ng panahon.
Naaalala ko pa noong iyak sila ng iyak ng hindi ko sila inihehele. Paano ko naman sila mahehele kung dalawa silang kakargahin ko at palagi pa siyang wala noon dahil sa trabaho.
Si Yaya Linda naman ay busy sa gawain dito sa bahay kaya hindi ko na siya ginagambala.
Wala pa akong alam sa pag-aalaga ng bata noon kaya mali-mali ang nagagawa ko. Nagsumikap akong pagbutihin iyon sa tulong na rin ni Yaya Linda. Hindi siya palaging nandyan sa tabi ko kaya umaasa na lang ako sa sarili kong kakayahan.
"Alam kong pagod ka na rin Yaya dahil ikaw lang ang katulong namin dito. Baka magkasakit kayo niyan?"
Iisa lang ang katulong namin dito. Okay rin naman sa akin kung walang katulong. Kaya ko namang solohin ang lahat ng mga hugasin, labahin at iba pa.
"Sige na nga po. Pero kung malalaman po ni Sir Bane, kargo niyo po ako 'ha? Malilintikan ako kapag paupo-upo lang po ako diyan sa tabi-tabi."
Muli akong natawa sa sinabi niya. Takot kasi ito kay Bane. Ewan ko kung bakit 'e hindi naman mukhang halimaw 'yun. Pwera na lang kung ginalit mo siya ng todo.
Tumango ako sa kaniya at ako na ang nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan. Nakakalahati na ako ng magsalita si Bane sa likod ko na hindi ko namamalayan.
"Anong pinag-awayan niyo ni Sia?" Tanong niya.
Napatigil naman ako sa pagsasabon ng baso sa tanong niya. Hindi ugali ni Bane ang mangialam kung kaya't nagtataka ako sa kinikilos niya ngayon.
Nagiging mausisa na siya!
Okay lang naman kahit na manghimasok siya sa buhay naming mag-iina pero hindi ko maiwasang mailang. Baka isipin niya na hindi ako responsableng Ina.
"Sinabi ko naman sayo kanina 'diba?"
"Hindi ako kuntento doon."
"Wag mo nang tanungin Bane dahil konting hindi pagkakaunawaan lang 'yon."
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
RomanceNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2