Mia's POV:
"What are you searching Mom?"
"N-nothing."
"Wala pa po ba si Tito? We've been here for almost an hour ago. Can he pick up us?"
"N-natraffic lang anak."
"But he said,2:10pm niya tayo susunduin pero wala pa rin siya. He deceived us."
"He's just joking at that time Ice. Hindi ka pa ba nasanay sa Tito Bane mo?"
"Yeah right."
Ipinagpatuloy ni Ice ang paglalaro sa IPad niya ganun din si Sia. Buti na lang talaga at nai-bag ko kanina ang mga gadgets nila. Eh di sana nganga sila ngayon katulad ko?
Pinakiramdaman ko ulit ang paligid at nandun pa rin ang taong nagmamasid sa amin. Ngunit iba na ngayon ang pwesto niya. Kung kanina malayo siya,ngayon ay medyo nakalapit na sila sa amin.
Lalo pa ngayon na kami na lang ang tao dito sa park na ito. Nasaan ka na Bane? Nanganganib na kami dito! Buti sana kung may guard dito pero wala eh!
"M-mga anak? B-bili tayo ng pagkain?" Tanong ko sa dalawa. Napatingin silang muli sa akin at binigyan ako ng nagtatakang tingin.
"Nagugutom ka po ba Mommy?"
"M-medyo. T-tara?"
Tumango naman sila kaya nakahinga ako ng maluwag. Makakalayo na kami sa lugar na ito. Pero paano kung susunod siya sa amin? Baka magnanakaw siguro ito.
Ako na lahat ang nagbitbit ng pinamili namin kanina dahil alam kong pagod sila ngayon. Kahit na mahirap dahil sa hawak kong mga paper bag,hinawakan ko pa rin sila sa kamay at hinigpitan itong mabuti.
"K-kapit lang kayo kay Mommy hah?"
"You're so weird today Mom. Ano po ba ang nakain ninyo? Are you sick?"
"A-ah hinde anak!" Nararamdaman kong sinusundan kami ng taong iyon. Diosko! Tulungan niyo po sana kami! Sana po maliwanagan ang taong iyon na sumusunod sa akin ngayon! I-tama ninyo ang kaniyang landas!
Mas binilisan namin ang lakad namin pero binilisan din niya ang lakad niya. Labis na takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Pinipilit kong wag mangamba dahil mahahalata ako ng mga anak ko. Pero hindi ko na kaya pa!
Naging takbo na ang kaninang lakad namin. Nagpatainod naman ang dalawa kong anak sa akin.
"May sumusunod po ba sa atin Mommy?"
"'Wag na kayong magtanong pa at tumakbo na lang! 'Wag niyong hahayaan na maabutan niya tayo kaya bilisan natin! "
Napalingon naman ako sa likod at nagulat sa aking nakita. Hindi lang pala isa ang sumusunod sa amin kundi lima pala! Kaya pala marami akong nararamdaman na nakatingin sa akin dahil hindi lang pala iisa.
Ilang takbo pa ang nagawa namin ng biglang may pumara sa harap namin ang isang van na kulay black. Natakot naman ako sa sandaling iyon at babalik na sana sa tinakbukhan namin kanina pero huli na ang lahat.
Naipasok na nila kami sa loob ng van at tinakpan ng panyo ang ilong ko. Narinig ko pang sumigaw-sigaw ang mga anak ko at pilit na nagpupumiglas sa may hawak sa kanila.
"Mommy!" "Don't touch me and let go of us!"
"Mom! Wake up!"
Bago ako tuluyang mawala sa ulirat,nakita kong tinakpan rin nila ng panyo ang ilong nila at nawalan ng malay. Sumakay na rin ang kanina pang nakasunod sa amin at pinaharurot na ang van palayo.
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
RomanceNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2