Chapter 70 ~ Nakaligtas
Mia's POV:
Mahigit limang taon na ang nakakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang pinakamalaking trahedya na kinaharap ko. Pero mabuti na lamang at nakayanan ko lahat ng ito.
Mahirap din ang pinagdaanan ko lalong-lalo na nung mga panahong hindi ako sanay na wala ako sa puder ni Bryle.
"Huy! Nasaan si Sia?" Tanong ko sa kaniya. Siya ang tumulong sa akin nung mga panahong walang-wala ako. Nang dahil sa kaniya siguro hindi na kami nag-e-exist ng mga anak ko dito sa mundo. Laking pasasalamat ko talaga sa kaniya.
"Nasa kwarto niya."
"E si Ice?"
"His room also."
Na naman? Nagkukulong na naman ba siya sa kwarto niya? Hindi masyadong lumalabas ng kwarto ang anak kong lalake. Kung bakit? Malalaman niyo mamaya.
Tulad ng ultrasound na binigay sa akin ng doctor ko noon, twins nga ang naging anak ko. Isang lalaki at isang babae. Muntik ngang mamatay si Sia noon dahil hindi ito nakakahinga ng maayos sa loob ng tiyan ko.
Si Sia ang naapektuhan dahil siya ang huling lumabas sa sinapupunan ko. Unlike Ice na nakakahinga na ng maluwag nang ipanganak ko siya. Nagtagal pa kasi si Sia ng labinlimang minuto sa tiyan ko bago lumabas.
At ang pinakahindik-hindik na nangyari ay...
they look like their father. Pati ugali rin ay namana nila sa Ama nilang balasubas. Wala man lang silang kahit na katiting na namana sa akin. It's so unfair!
May mga kasabihan ang mga matatanda na kapag sino ang kamukha ng mga anak mo, siya daw 'yung mas nasarapan habang nagtatalik kayo.
Mga matatanda talaga, kung anu-ano ang sinasabi! Di ba pwedeng mas malakas lang talaga ang kamandag ng genes ni Bryle?
Hindi ko alam na may ganiyang mga pamahiin. Narinig ko lang 'yan noong nasa puder pa ako ni Bryle. Yung mga ibang kasambahay doon sa bahay namin ang nagsabi.
Speaking of Bryle, kamusta na kaya siya? Sigurado ako na patuloy pa rin niya kaming pinaghahanap sa mga tauhan niya. Hindi niya hahayaang makatakas ako sa kaniya.
Tiyak kong gusto niya akong pagbayarin sa mga kasalanan kong hindi ko naman ginawa o mas tamang sabihin na haka-haka lang.
Hindi ko maintindihan kung bakit humantong ng ganonn ang pagsasama namin. Akala ko, okay na kami dahil namuhay kami ng masaya sa sandaling panahon. Hindi ko ineexpect na sisiraan ako ni Lian sa paningin niya.
Hayop na babaeng 'yun!
Sana sinabi na lang niya sa akin ng personal para naman aware ako 'no? Dinaan pa niya sa mga litrato. Nag-effort pa ang bruha! Well sorry siya, 'di ako papatalo sa kahayupan niya!
Pero wala na 'yun sakin. Masaya na ako at kuntento na sa anong mayroon ngayon sa akin. May mapagmahal akong mga anak tsaka siya na rin.
Isa siyang mabuting kaibigan sa akin. Lahat ng pangangailangan namin ng mga anak ko ay binibigay niya agad-agad. Nakakahiya na nga sa kaniya dahil sobra-sobra na ang natatanggap namin.
Okay lang sana kung pinaghirapan namin pero hindi.
At ngayon, papunta na ako sa second floor. Aabot sa third itong bahay niya. Maraming mga kwarto at may swimming pool pa!
Sosyal!
Paakyat na'ko sa hagdan, wala akong marinig na ingay. Ang tahi-tahimik nitong bahay. Aakalain mo siguro na haunted house ito dahil sa sobrang tahimik.
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
RomanceNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2