Mia's POV:
Nasa bahay na kami ng pamilya ni Bryle. Ngayon lang ako nakapunta dito kaya naman manghang-mangha ako sa paligid. Hindi ko naman kasi naranasan ang magpunta dito nung maayos pa ang samahan namin ni Bryle.
"Magandang Gabi po." Sabay-sabay na bati ng mga katulong nila nang makapasok kami sa loob. Isang linya para sa mga katulong at isang linya naman para sa mga bodyguard kasama na doon ang driver nila.
Yumuko muna sila bilang pagbati sa amin kaya yumuko rin ako. Nagulat naman silang lahat sa ginawa ko at nahihiyang nagbaba ng tingin. Nangunot naman ang noo ko sa inasal nila.
Marahil hindi nila inaasahan ang pagyuko ko sa kanila. Ano naman ang nakakagulat doon?
"Halika muna sa kusina Mia dahil tiyak kong nagugutom ka na." Sabi ni Mama sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya habang siya ay naglakad sa isang pasilyo.
Wala naman akong nagawa kundi sumunod dahil nagugutom na rin ako. Sari-saring mga pagkain ang nakahanda sa mesa na parang isang baranggay ang kakain.
"A-ang dami naman yata nito Ma." Nahihiya kong sabi kay Mama. Hindi ko naman kase mauubos lahat ng mga ito. Sigurado akong masasarap ang luto nila dahil sa tingin pa lang 'e katakam-takam na.
Meron pa namang pamahiin ang mga matatanda na 'pag nasobrahan ang pagkain sa gabi, baka bangungutin ka. Kaya hinay-hinay muna ngayon kahit na gutom na gutom ako. Mahirap na at baka mapaaga pa ang burol ko kung nagkataon.
"I didn't know what food would you like to eat." Sagot naman nito. Hindi naman ako pihikan sa pagkain dahil sanay naman ako kahit na tuyo lang ang ulam ko. Laki ako sa hirap kaya kahit anong pagkain ang nakalatag sa mesa, kakainin ko.
'Wag tanggihan ang grasya.
"Alam mo naman siguro na hindi maayos ang relasyon namin ng anak ko kaya hindi ko natanong sa kaniya kung ano ang paborito mong pagkain." Katwiran pa niya.
Psh! Baka nga hindi alam ni Bryle kung sakaling nagtanong si Mama sa kaniya. 'E 'diba nga puro Lian ang nasa isip niya? Muntik pa nga niya kaming mapatay ng kambal!
"Kailan ho kayo magsisimula sa paghahanap sa mga anak ko?" Tanong ko sa kanila habang nagsasalin ng kanin sa plato ko. Yung isang katulong naman ay sinalinan niya ng tubig ang baso ko at sa isang baso naman ay juice.
"Naipaalam na namin sa awtoridad ang pagkawala nila. Bukas na bukas rin ay tutulong kami para mas mapadali ang paghahanap sa kanila."
Nagpasalamat muna ako sa katulong na ito bago nalipat ang aking paningin kina Mama at Dad na kumakain rin. Pasado alas-siyete pa naman ng gabi kaya baka hindi pa sila naghahapunan.
"Kahapon ho kami nakidnapp kaya kahapon pa sila nawawala. Baka po mas naging delikado na ang lagay nila ngayon at kung sinu-sino na lang ang nakapulot sa kanila." Nakakunot ang noo ko habang sinasabi ko ang mga katagang iyan. Isang araw akong tulog kaya malamang na may nakakita na sa kambal.
Sana hindi si Bryle ang nakakita sa kanila kundi walang takas kaming mag-iina mula sa kamay niya. Naiisip ko pa lang iyon ay nagtataasan na ang mga balahibo ko sa takot.
"We hope that Bryle couldn't find them or else. We both know kung ano ang magiging kapalaran ninyo kapag siya ang unang nakahanap sa kambal. He is known as heartless father and husband to you afterall." Sagot ni Dad.
Nabitawan ko ang kutsara at napainom ng tubig. Seryoso naman silang nakatingin sa akin kaya mas lalo akong kinabahan. What if na ganun nga ang nangyari?
"Can you recall kung anong damit ng kambal nung last na nakasama mo sila bago kayo makidnapp?" Tanong ni Mama para mawala ang tensyon sa amin.
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
RomanceNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2