Chapter 95

19K 369 46
                                    

Mia's POV:

"Good morning Ma'am. May I take your order Ma'am?"

Tuloy ang trabaho ko bilang cashier. Isang linggo na rin ag itinagal ko at so far so good naman ay wala namang problema. Nakasuot pa rin ako ng mask. Hindi na nila pinakialaman nina Mama ang kagustuhan kong magtrabaho.

"One Cappuccino and one Strawberry Cake." Sagot ng babaeng maarte na'to.

Nakasunglasses pa kahit nasa loob na! Hanep! May suot pang cap na kala mo ay naiinitan! Kung makatingin rin siya ay parang sobrang hirap ako sa paningin niya.

Ha!

Mahirap nga ako pero nagtatrabaho naman ako para kumita ng pera!

"Thank you Ma'am."

Nang makapagbayad na, dire-diretso siyang naglakad para humanap ng bakanteng upuan. Maya-maya lamang ay iniserve na ang inorder niya. Napailing-iling na lang ako.

Ilang costumer na rin ang nakaalis pero nandito pa rin ang maarteng babaeng iyon. Ilang oras na ba siyang nakaupo? Ubos na rin ang inorder nito kaya nagbusy-busy'han na lang siya sa cellphone niya. Mukhang may katext yata at gigil na nagt-type.

Aha! Baka hindi sumipot yung kadate niya?

Napahalakhak ako sa isip ko. May lumitaw na ngisi sa labi ko habang nakatingin sa babaeng maarte. Poor girl! Dalawang oras na siyang nandito! Papasara na rin ang cafe at siya na lang ang costumer namin.

Wala tuloy akong nagawa kundi lapitan ito!

"Excuse me Ma'am, mukhang kailangan niyo nang umuwi dahil magsasara na kami."

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pasimple niyang pag-irap. Iginala niya ang paningin sa paligid. Napataas ang kilay ko sa katarayan niya.

May attitude!

"Wait for a couple of minutes. He's on the way."

Napatingin sa amin ang ibang katrabaho ko. Nag-nod naman sila kaya napapabuntong-hininga akong umalis sa harap niya.

Tama nga ako na nalate ang date niya.

Mukhang malalate akong uuwi ngayon ha! Kasalanan 'to ng babaeng 'yon 'e! Isama mo na rin yung kadate niyang sobrang aga! Note the sarcasm please?

"Hindi talaga maiiwasan ang mga ganiyang klaseng costumer." Pailing-iling na sabi ni Boss. Tinapik-tapik pa ako sa balikat at ipinagpatuloy ang paglilinis sa kusina.

Hindi pa namin nalilinisan ang mga table dahil nandun pa si babaeng maarte. Bastos tignan kung maglilinis kami habang may costumer pa. I mean, 'pag magsasara na kami. Sa dating sa mga costumer ay parang pinapaalis mo na sila.

Nakitulong na lang ako sa kusina para mas mapadali ang paglilinis doon. Tapos na lahat-lahat pero wala pa rin ang kadate 'nung babae. Naiinis na ako dala na rin ng pagod.

Ang manager na ang kumausap sa babae pero ipinagpilitan pa rin nito na maghintay pa kami saglit dahil natraffic daw. Pinagbigyan namin siya ng sampung minuto pang oras.

"Ma'am kailangan na po talaga namin na magsara."

Kaming lahat ay nakaharap sa babaeng 'to na. Nakalipas na ang sampung minuto pero wala pa rin ang kadate niya. Aba! Kailangan na naming magsara pero 'tong babaeng 'to, feel na feel ang pag-upo na parang hindi niya naaabala ang trabaho namin!

"Ano?! Sinabi na ngang may hinihintay pa ako 'e! Hindi ba kayo makaintindi?!" Sigaw nito sa pagmumukha ng manager namin.

Siya pa ang may ganang magalit!

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon