Chapter 91

18.5K 328 37
                                    

Mia's POV:

Unti-unti kong dinampot ang maleta ko kasama na ang isang backpack ko. Pinunasan ko rin muna ang luha ko gamit ang likod ng aking palad at pinakalma muna ang sarili bago tuluyang tumayo.

Wow! Just Great!

Wala na akong mapupuntahan pang iba. Nahihiya na rin akong makita si Lola dahil hindi naman niya pala ako tunay na apo.

Bago naglakad papunta sa sakayan ng tricycle dito sa amin, minemorya ko muna ang tanawin dito dahil baka hindi na ako makababalik pa muli dahil sira na ang reputasyon ko dito.

Mayroon pa ring mga tao ang tumitingin-tingin sa akin pero ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon. Habang papunta ako sa sakayan ng tricycle, hindi ko maiwasang marinig na pinag-uusapan nila ako.

"Sayang siya no'h? Ang bait pa namang bata pero nasa loob rin ang kulo."

"Hindi ako makapaniwala na magagawa niya iyon. Dapat malaman agad ito ng dati nating kapitana."

Hindi ako lumingon kung nasaan sila bagkus ay ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Wala naman akong mapapala kung papatulan ko pa sila. Obvious pa naman na pinag-uusapan nila ako dahil patingin-tingin sila sa akin mula ulo hanggang paa.

Nakakabanas lang!

"M-manong sa pamilihan nga po." Saad ko sa tricycle driver na natutulog sa tricycle niya. Medyo nagising naman ito at humikab muna bago ito tumingin sa akin. Nagulat naman ako dahil namumukhaan ko siya.

Isa siyang dati kong kaibigan. Nagulat rin siya habang nakatulala sa akin. Naalala niya ba ako?

"Sandrang?" Tanong nito sa malalim na boses. Tinignan ko ang buong mukha niya at namangha ako dahil marami pala siyang pinagbago.

Ang dating mala-hundreds islands na pagmumukha niya ay nabawasan na. I mean, mga trenta na lang! Haha! Pero totoo, maraming tigyawat to noon 'e pero ngayon ay nabawasan na. Tapos payatot siya noon pero kita mo nga naman, may laman-laman na siya ngayon. Naks!

"O ako nga! Grabe! Dami mong pinagbago a'?" Nakangiti kong sabi sa kaniya. Ngumiti rin ito ng konti at magsasalita na sana nang may magsalita sa likod ko.

"Lumayo ka sa kaniya dahil magnanakaw siya!" Tumingin naman ako dito at si Maria pala na galit na galit na namang nakatingin sa akin. Wew! Palaging highblood ito sa akin ha? Di pa ba siya masaya dahil sa nangyari sa akin kanina lang?

"Wag ka namang ganiyan Maria. Pasahero siya kaya halika na Sandrang at ihahatid na kita. Libre na lang para sa iyo dahil ngayon na lamang tayo nagkita."

Medyo natuwa naman ako sa sinabi niyang libre pero paano na ang hanap-buhay niya? Kaya bga siya namamasada para kumita ng pera diba? Hayaan na nga natin siya at nang makatipid naman ako sa pamasahe.

Sumakay ako sa tricycle niya na parang hindi nage-exist sa paningin namin si Maria na ngayon ay napakasama ng tingin sa amin. Habang tinatahak namin ang daan papunta sa pamilihan, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano.

Tulad nang, saan ako titira? Babalik ba ako sa bahay ni Mama? O di kaya'y umupa na lang ako ng apartment sa Manila at doon maghahanap sa sanggol?

Napakagulo ng iniisip ko at hindi ko namamalayan na nandito na pala kami sa bayan ng Tuguegarao. Kanina pa pala salita ng salita si Pedro pero wala naman akong naiintindihan dahil sa malakas ang ugong ng mga bus at sasakyan dahil nasa higway kami. Panay pa ang overtake ng mga ito na parang nagkakarera kaya medyo nakakatakot.

"May nakita akong dalawang bata na pagala-gala dito. Mukhang anak mayaman at parang nawawala sila. Pero kalauna'y hindi ko na sila nakita pa kaya ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon dahil malay mo, nakauwi na pala sila sa bahay nila!" Tulad ng nauna niyang sinabi ay hindi ko naintindihan.

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon