Chapter 75

22.4K 484 25
                                    

Mia's POV:

"Mga anak,pwede bang sa ibang boutique na lang tayo?" Tanong ko sa mga anak ko na hila-hila ako. Malapit na kami makarating sa glass door kaya naman binibigatan ko ng todo ang sarili ko.

"Eh Mommy dito na lang! Feeling ko po ang dadaming magagandang damit dito."

Hindi lang basta feeling mo anak kundi totoo talaga na magaganda ang damit na binebenta nila dito pero may kamahalan nga lang. Sinuradong mapapasubo ka sa presyo pero kung mayaman ka,worth it naman dahil maganda rin ang quality.

"P-paano mo naman nalaman anak eh hindi pa natin p-inupuntahan ang iba pang boutique?"

Ramdam kong nagiging balisa na ako ngayon na nakatingin sa bungad ng boutique na ito. Iniyuko ko naman ang ulo ko baka sakaling hindi ako makilala ng kaibigan ni Mama pag nagkataon na nandyan siya sa loob. Gawa pa naman sa glass ang wall kaya tiyak na makikita ang labas kung saan kami nakatayo ngayon.

"Dito na lang tayo Mommy! Diba kuya Ice?"

Nakita kong tumango ang panganay kong anak. Mukha talagang tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan para makita kami ng pamilya ni Bryle o baka si Bryle na mismo! Jusko!

Wala akong nagawa kundi pumasok na lang dahil para kaming tanga sa labas na naghihilahan. Nanatili akong nakayuko habang papasok kami sa pinto na gawa sa salamin. Iniayos ko pa ang cap ko at ipinababa para matakpan naman kahit papaano ang mga mata ko.

"Ba't ka nakayuko Mom? Look! There's so many dresses here that will surely fit to you."

Naku naman anak! 'Wag mo nang pansinin si Mommy at pumili ka na lang diyan ng gusto mong damit!

"Mommy pwede bang ako na lang ang pipili ng dress mo?" Pakiusap sa akin ni Sia. Nakapuppy eyes siya ngayon at hindi ko naman magawang tumanggi. Pero sa huli,nanaig pa rin ang desisyon kong hindi na lang ako bibili ng damit ko.

"Hindi na bibili ng damit si Mommy anak." Nakangiti kong sagot. Dagdag gastusin pa kasi at nangangamba rin ako na baka magkulang ang pera namin. Alas-dose na rin pala at magtatanghalian pa kami.

"Sayang naman Mommy. Ang gaganda pa naman ng mga damit dito na bagay po sa inyo."

Sus! Binola pa ako ng baby girl ko!

"Pero alam mo Mommy,napapansin ko pong nakatingin sa inyo yung babaeng yun."

Napakunot-noo naman ako. Sino ang tinutukoy ng anak ko? Napatingin ako sa likod at laking gulat ko nang magtama ang paningin namin ng kaibigan ni Mama. Hindi maaari!

Nanlaki rin ang mata niya at hindi makapaniwalang nakatingin sa amin ngayon. Ilang segundo ang lumipas ng maglakad ito palapit sa amin. Naku! Mukhang mabibisto na kami!

"You look familiar Iha. Have we met before?"

Mukhang hindi niya ako namumukhaan pero may chance pa rin na makilala niya ako once na tinanggal ko ang cap ko. Okay lang naman sa guard kanina na naka-cap kami pero chineck niya ang mga bag namin at iniwan namin sa luggage area.

"H-hindi p-po."

Abot-abot ang kaba ko habang tinititigan niya ako. Yumuko ulit ako at nagpaalam na sa kaniya para makapili na kami ng damit ng twins.

"M-mauna na po kami. Magtingin-tingin lang po kami ng damit." Agad kong hinila ang mga anak ko palayo sa kaibigang yun ni Mama. Napahinga naman ako ng maluwag ng medyo malayo-layo na kami sa kaniya pero nasa iisang boutique pa rin kami.

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon