Author's Note:
Please paki-imagine na lang po na Ilocano ang gamit nilang lenggwahe. Thank you!
Mia's POV:
Nagising ulit ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kwartong tinutulugan ko. Palagi na lang ba akong magigising dahil sa ingay? Ipagpapatuloy ko ulit sana ang pagtulog pero nabulabog ako sa lakas ng sigawan nila. Napakamot ako sa noo dahil sa inis. Wala naman akong magagawa dahil nakikitira lang ako sa bahay na ito.
Ilang segundo muna ang hinintay ko bago ako tuluyang bumangon. Base sa naririnig kong mga sigawan, sina Aling Celia at Maria ang may-ari ng mga boses. Ano naman kaya ang problema ng mag-ina?
Kinapa ko muna ang mukha ko kung may laway akong natuyo pero wala naman. Pagkalabas ko ng kwarto, nagtaka ako dahil natigil ang sigawan kaya kunot-noo akong tumingin sa mag-ina na nakatingin sa akin. Nakita ko rin si Edward na nakatingin sa akin kaya umiwas ako ng tingin sa kanila.
Tutuloy na sana ako sa banyo nitong bahay pero natigil ako sa paghakbang dahil sa narinig kong sinabi ni Maria. Ano ang karapatan niyang sabihin ang mga salitang iyon?
"Bakit hindi natin tignan yung gamit niya? Siya lang naman ang iba sa atin dito sa loob ng bahay na hindi pa natin nakikita ang gamit niya?" Nakangising tanong nito sa Ina. Medyo nainsulto naman ako sa pagkakasabi niya at diretso itong nakatingin sa mga mata ko.
Unti-unti akong napalingon sa kanila at nakita kong pailalim sila kung tumingin sa akin. Si Edward ay nakakunot-noo pero hindi nakatakas sa paningin ko ang awa sa kaniyang mga mata.
Si Aling Celia naman ay nakakunot-noo rin at may pag-aalinlangan sa kaniyang mga mata kung kokomprontahin niya ako. At si Maria lang ang bukod-tanging nakangisi sa kanila na parang tuwang-tuwa siyang makita ang ekspresyon ko ngayon.
Kung ganun ay pinagbibintangan niya ako tungkol sa pagkawala ng hinahanap nila? Alam ng Panginoon na wala akong ginagawang masama sa kanila at heto ako ngayon at pinagbibintangan sa kasalanang hindi ko magagawa.
"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo Maria! Bisita natin siya kaya tumahimik ka na!" Sigaw ni Aling Celia sa anak. Galit na ito at aalis na sana ng bahay ng sumagot si Maria na naiinis na rin.
"Tama naman ang sinasabi ko ha?! Bakit hindi na lang natin tignan ang gamit niya para matapos na'to?! Wala namang mawawala sa kaniya kung hahalungkatinlang naman natin yung mga gamit niya pwera na lang kung nasa kaniya nga iyon!" Talagang iginigiit ako ni Maria. Wala naman akong magagawa kundi sumang-ayon sa sinabi niya.
Sure naman akong wala sakin yung hinahanap nila.
"Okay lang po sa akin Aling Celia kung titignan niyo yung gamit ko." Pagsabat ko sa usapan ng mag-ina para matapos na ito. Pero hindi ko maikakaila na mayroong akong nararamdamang kaba sa sarili ko pero hindi ako nagpahalata sakanila. Marumi kong maglaro si Maria at iyon ang ikinatatakot ko.
Lalo na pa nalaman kong may itinatago pala siyang galit sa akin.
"Sigurado ka ba Iha? O siya, mabilisan naming titignan yung gamit mo para hindi kami masyadong nakakaabala sa iyo." Nakangiting pahayag ng Ginang. Ngumiti naman ako pabalik at pinakalma muna ang aking sarili bago kami tuluyang pumasok sa aking kwarto.
"Sisiguraduhin kong mawawala ka dito sa bahay na ito. Humanda ka Sandrang." Pasimple naman akong binulungan ni Maria na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. Nagsalubong ang kilay ko at hindi na lamang siya pinansin.
Nang nasa loob na kami ng aking kwarto ko, nanatili muna kaming tahimik at pinakikiramdaman ang isa't isa habang nakatayo lamang. Makalipas ang ilang segundo, si Aling Celia na ang kumilos at nagsimulang maghanap sa gamit ko.
BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
RomanceNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2