Chapter 94

18.4K 331 24
                                    

Mia's POV:

"Ilan pilay mo?" Natatawang tanong ko kay Hera. Bumagsak nga kami sa lupa at sobrang sakit ng pagkakabagsak ko. Nauna likod ko 'e! Hindi ko alam kung may defect na ang spinal cord ko!

"A-aray." Daing nito. Ganito na nga ang sitwasyon, nagagawa ko pang tumawa. Inispekayon ko ang buong katawan niya at nakita kong nangingitim ang braso niya sa kanan.

Malala ang tama niya.

"Ayos ka lang?"

"D-don't mind me."

Inalalayan ko siyang tumayo. Ako na ang nagbitbit ng backpack ko pati na rn ang maleta. Hindi niya kakayanin kapag dala-dala niya ang mabigat kong bag.

"Maiwan ka na kaya rito?"

"Hinde. Sasamahan kita."

Hinayaan ko na lamang siya na sumama sa akin kahit na delikado ang lagay niya. Tsaka siya ang magtuturo kung saan ang daan papunta palabas. Tama kayo. Nasa Subdivision pa rin nila kami.

Malawak dito at maraming pasikot-sikot. Nakalimutan kong sabihin sa inyo na sa likod ng bahay nila Hera ay may isa pang bahay na hindi nila kilala kung kaninong bahay. Ganun naman sila dito, walang pakialamanan.

"Sigurado ka bang dito tayo dadaan?"

Napapalunok ako sa kaba. Nag-aalinlangan rin ako. Malay mo, may mga mababangis pa lang mga hayop dito sa bahay na'to! Tsaka walang kailaw-ilaw kaya nakakatakot. Parang abundunado na.

"Wag kang mag-alala. Matagal nang hindi tumitira dito ang may-ari."

Sabi ko na nga ba!

Sayang pa naman! May kalakihan ang bahay. May mga nagkalat rin mga dahon sa paligid na hindi masyadong nalinisan. Plano namin na dadaan sa gate ng bahay na'to tsaka kami dadaan papunta sa isa pang gate ng subdivision na'to sa likod.

Bago kami makalabas ng gate, napatingin muna kami sa bahay nila. Walang kailaw-ilaw at parang tahimik. Pero ang hindi nila alam, may nangyauari na pa lang masama sa loob.

Tinahak namin ang daan palabas. Ingat na ingat kami sa paghakbang. Nadaanan namin ang mga naglalakihan pang mga bahay at nakakamanghang disenyo ng mga ito.

"Pag nakalabas ka na ng subdivision, dire-diretso ka lang hanggang sa may makita kang sakayan ng mga taxi. Sorry pero hindi na kita masasahan. Tutungo ako sa guard ng subdivision at hihingi ng tulong. Babalikan ko ang bahay namin. Mag-iingat ka Mia."

Napatingin ako sa kaniya. Seryoso siyang naglalakad at hindi ako tinapunan ng tingin. Napayuko ako sa dinala kong problema sa kaniya.

"Mag-iingat ka rin pabalik. Salamat sa tulong Hera."

Tahimik kaming naglakad at palingon-lingon sa paligid. Nakarating kami sa gate ng walang imik. Tatalikuran ko na sana siya ng higitin niya ako sa braso at biglaang niyakap.

Yumakap ako pabalik. May konting ngiti sa labi. Sa hindi malamang dahilan, napaiyak ako. Baka matagalan na naman bago kami magkasama muli.

"Ipangako mong babalik ka Mia."

Humiwalay ako sa yakap niya na magaan ang pakiramdam. Nawala ang luha sa mata ko at ngumiti ng totoo. Walang halong sakit at lungkot. Isang sinserong ngiti.

"Pangako."

Naghiwalay kami ng landas. Naglakad ako pasalungat sa tinatahak na niya ngayong direksyon. Naglakad siya patungo sa guard na nagbabantay ngayon. Narinig ko na lamang ang papatakbo nilang yapak. Hindi na muli ako lumingon sa gawi nila.

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon