Chapter 96

19K 397 49
                                    

Mia's POV:


Dali-dali akong sumakay sa kotse na naghihintay sa akin sa labas. Tumatayo pa rin ang balahibo ko sa labis na takot kay Bryle. Hindi ko ineexpect na makikita ko siya muli.

Pero anong pakay niya ngayon?

Kung gusto niyang kuhanin ako ay sana lumapit na siya sa akin. Chance na niya iyon kanina lalo pa't nahanap na niya ako. Pero wala! Tumitig lang siya na waring pinag-aaralan ako. Nakakapagtaka! Tsaka parang nagmamadali rin siya.

Mimsan, ang hirap basahin ng mga ikinikilos ni Bryle. Mas magulo pa siya kaysa sa mga babaeng katulad ko!

Sinabi ko ang address ng bahay nila Hera sa driver. Pagkarating namin sa bahay nila, agad akong bumaba at nagdoorbell. Pinagbuksan ako ng isa sa mga katulong nila.

Napansin kong komonti ang katulong nila. Iilan na lang yata ang natira. Nagkibit-balikat ako. Tatanungin ko na lang si Hera mamaya.

"Sorry po Ma'am pero hindi daw po makakababa si Señorita dahil masakit daw po ang katawan niya."

"Ha? Sige akyatin ko na lang."

Sa second floor pa ang kwarto niya at may pink na pinto. Favorite color niya ang pink kaya hindi na nakakapagtaka. Tsaka karamihan sa mga babae ay pink ang paboritong kulay.

Tok... Tok... Tok...

Pinagbuksan ako ni Hera na magulo pa ang buhok, balot na balot ng kumot. Matamlay siyang tumingin sa akin.

"May sakit ka daw?" Tanong ko na obvious na obvious naman.

"Oo 'e. Ba't ka nga pala napadpad dito?" Pinapasok ako nito sa loob habang tuluy-tuloy naman siyang naglakad papunta sa kama at dumapa. May sakit nga siya.

"Kakamustahin sana kita." Umupo ako sa kama niya at sinalat ang noo. Mainit nga siya.

"As you can see, may sakit ako."

"Nasan nga pala si Ate Carol? Hindi ko siya nakita kanina?"

"Umuwi muna sa kanila. Natakot nung may lumusob noon dito sa bahay." Umiling-iling pa ito. Ngayong nabanggit niya ang tungkol doon, naalala niya ang pakay niya.

"Nang makatakas tayo, ano nang nangyari dito sa bahay niyo?"

"Tinakot nila ang mga katulong kaya nagsialsabalutan na 'yung iba." Inayos niya ang pagkakahiga niya sa kama at humarap ng maayos sa akin.

"Kaya pala komonti ang mga katulong niyo." Tumango-tangong sabi ko.

"Wala naman silang ginalaw na mga gamit. Ikaw talaga ang pakay nila Mia kaya mag-iingat ka."

"Tauhan ba talaga ni Bryle ang mga iyon?"

"Posible. Siya lang naman ang nagpapahanap sayo." Nagkibit-balikat pa siya.

"Kamusta na pala 'yung braso mo?" Tanong ko.

"Medyo bumubuti na. Iyon yata ang rason kung ba't ako nagkalagnat ngayon."

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon