Chapter 73

22.6K 490 60
                                    

Mia's POV:

"Handa na ba kayo kids?" Tanong ni Bane sa mga bata. Nasa sala kami ngayon ng bahay at nagreready na ng gamit. Alas-niwebe pa lang ng umaga pero heto kami at excite na excite.

"Ready!"

"Super Duper Ready!"

"Wala na ba kayong naiwan?" Tanong niya muli.

"None!"

Napatawa na lang kaming matatanda sa inaasal ngayon ng mga bata. Daig pa nila ang nakadrugs sa sobrang energetic. Pinainom ko kasi sila ng cobra kaya ayan! Ay charrot lang! Haha!

"Eh ikaw Mommy,may naiwan ka ba?"

"Wala na po Ms. Sia."

Nagbow pa ako sa kaniya at narinig ko naman siyang napahagikhik. Pinagbabaon kami ngayon ni Yaya sa mga pagkain at nilalagay ito sa bag. May tig-isang bag sina Ice at Sia na katamtaman sa laki habang ako ay isang backpack.

Sa bag kasi nila,puno doon ng mga pagkain tulad ng mga chocolates,candies,lollipop at iba pang pagkaing-bata. May mga tinapay rin kung sakaling ayaw nila ng matatamis ngayon. Tsaka inuming tubig.

May nilagay din akong damit nila pang-itaas at pang-ibaba na rin kung sakaling magpapawis sila. Pati na rin towel na hindi masyadong malaki. Yung face towel lang. Dinamihan ko dahil tiyak na hindi sila sanay sa init ng panahon sa labas.

Naka-aircon kasi ang buong bahay. Nagtataka nga ako kung saan nanggagaling ang kuryente eh gubat iyon? Tsaka tubig na rin.

Hindi ko naman sila pinagbabawalan ng kumain ng matatamis pero may limitasyon pa rin. Chinecheck ko rin palagi ang mga ngipin nila kung may cavities o kung ano pa man diyan pero wala naman.

"Anong oras niyo po kami susunduin Tito?" Tanong ni Sia kay Bane. Kunwari namang nag-isip si Bane ng isasagot sa bata hanggang sa nag-ting ang utak niya.

"2pm."

Agad-agad na nagreklamo ang dalawa kesyo daw sobrang aga at hindi pa nila nasusulit ang kanilang tour sa labas kaya tumawar pa sila! Parang sa palengke lang ano? Haha!

"O sige mga 2:10."

Sa sinabing 'yon ni Bane ang nagpatawa sa akin. Pinagtatawanan na ngayon ni Bane ang twins habang ang dalawa naman ay yamot na yamot na sa pang-iinis sa kanila ni Bane.

"Nagbigay ka nga ng palugit Tito tapos 10 minutes lang ang naidagdag?" Inis na tanong ni Ice na ngayon ay magkadugtong na ang kilay at nakakunot-noo na.

Hindi ko naman maiwasan na matawa.

"Oh bakit? Oras pa rin yun! Kayong mga paslit kayo hah! Matuto kayong magpahalaga ng oras!"

Sermon ni Bane pero natatawa pa rin. Ganun rin kami ni Yaya na nakikitawa rin sa amin at napatigil sa pagbabaon. Mas lalong nangunot ang noo ng dalawa dahil sa tinawag sa kanila ni Bane na "paslit".

Isa nga pala sa kinaiinisan ng dalawa ay ayaw na natatawag na bata o kaya'y mayroong koneksyon doon.

"I think I misheard Tito what he said a while ago."

"Did he called as paslit?"

Ang sama na ngayon ng tingin ng dalawa sa Tito Bane nila. Sigurado akong sukdulan na ang inis nila ngayon at maya-maya lang ay mawawala na ang mood nilang pumasyal sa labas. Kaya bago pa sila mainis lalo,pinatahimik ko na si Bane.

I'm a Mother (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon