Bryle's POV:
                              Nagmamaneho na ako ngayon papunta sa destinasyon ko. Tulad ng inaasahan ko,marami na ngang nagbago. Tulad na lang ng kalsasa papunta dito. Kung noo ay hindi pa sementado ang daan,ngayon ay pulidong-lulido ang pagkakasemento. 
                              May konting street lights na rin dito pero hindi ko alam kung gumagana. Wala naman nakatira dito para mas lumiwanag dito 'pag gabi. Mukha tuloy creepy tong lugar na'to. Kaya wala masaydong napapadaan dito eh! 
                              "Nasaan na ba yung pinasukan kong eskinita noon?" Taka kong tanong sa sarili. Kanina pa ako nagmamaneho dito pero wala pa akong nakikita na eskinita. 
                              Ilang minuto pa akong nagdrive nang makita ko na ang hinahanap ko. Sa wakas at nakita ko pa ito. Bago papasok sa eskinita na 'yon,may nakapaskil na plaka. Ito yata ang pangalan ng lugar na'to.
                              "Barangay San Antonio." Basa ko sa nakasulat. Halatang luma na ito dahil kinakalawang na at malapit ko nang hindi mabasa kanina. Kung ganoon may baranggay pala dito. Ngayon ko lang napansin. Hindi naman masyadong masikip ang daan papasok kundi malawak pa nga eh! 
                              Tulad ng nadaanan ko kanina,puro puno ang nakikita ko. Kaya nga lang,wala nang mga street lights kaya delikado dito 'pag gabi. Ito na ba ang hinahanap kong gubat? Sa pagkakaalam ko,ang pinasukan namin ni Mia noon ay malapit sa may puno. 
                              Tinignan kong maigi kung may puno dito na malaki na palatandaan na doon naaksidente sila Mia. Mahirap hanapin iyon dahil maraming malalaking puno dito at hindi ko matukoy kung alin sa kanila. 
                              Napabuntong-hininga na lang ako sa inis hanggang sa mapadako ang tingin ko sa isang puno na kalbo na. Wala na itong mga dahon kaya napakunot-noo ako. Ba't 'yan lang ang puno na nakalbo? Pero ang iba ay mayroon pa?
                              Ipinark ko ang aking sasakyan sa tapat ng puno na iyon. Bumaba ako ng kotse at linapitan ang puno. Habang naglalakad ako palapit,may naapakan akong parang bakal. Napatingin naman ako sa lupa at natagpuan kong bahagi ito ng kotse. 
                              Isa itong parang nasirang kotse. At doon ko napagtanto ang lahat. Tumingin muna ako sa kabuuan ng puno at sa nahanap kong bahagi ng kotse. Ang nasa harap ko na puno ay ang dahilan kung bakit naaksidente sila Mia. Kung ganoon,ito na yung hinahanap ko. 
                              Hindi naman ako nagkamali at may nakita pa akong parang nabiyak na bahagi ng puno. May gasgas ito na hindi masyadong halata. Naglakad muli ako pabalik sa aking kotse at kinuha sa loob ang isang backpack na medyo malaki at isang sling bag na pwedeng paglagyan ng damit.
                              Naglalaman ito ng mga importanteng mga gamit tulad ng flashlight kung sakaling gabihin ako. Cellphone at Laptop. Tracking devices na pwedeng ikabit sa mga puno para hindi ako maligaw pabalik. Mahirap na saka hindi rin ito saklaw ng mapa. 
                              May tubig at mga pagkain pa akong ibinaon sakaling magutom ako. May patalim pa akong inihanda. Hindi natin alam kung anong mayroon sa gubat na ito kung bakit tago. Malay mo may mababangis pala na hayop dito at atakihin ako. 
                              "Gaano ba kalawak ito?" Tanong kong muli sa sarili. Kanina pa ako naglalakad at hindi alam ang patutunguhan. Medyo pagod na rin ako pero tinitiis ko para lang malaman kung ano ang itinatago ng gubat na ito. 
                              Wala pa naman akong nae-encounter na hayop. Sa tingin ko ay tanghali na rin. Buti na lang at nakakain ako kanina sa opisina bago maglayag dito. 
                              Tuluy-tuloy lang akong naglalakad pero agad na napatigil ng makakita ako ng daan. Sementado ito at pulidong-pulido ang pagkakagawa. Malawak din ito na parang mayaman ang nagpagawa. 
                              Hindi ko nakita itong daanan kanina ah? Wag mo sabihing tago itong daanan na ito? Mukhang may malalaman akong thrilling ah? Napangisi ako ng wala sa oras. 
                                      
                                   
                                              BINABASA MO ANG
I'm a Mother (BOOK 2)
RomanceNagtago siya ng ilang taon pero sapat na ba iyon lara hindi sila mahanap ng kaniyang asawa? Mayroon kayang dadating at mawawala sa buhay niya? Mga sikreto ng nakaraan na mauungkat at malalaman sa takdang panahon. I'm Pregnant Book 2
 
                                               
                                                  